2 snatcher arestado sa shabu
- Published on February 27, 2020
- by @peoplesbalita
SWAK sa kulungan ang dalawang umano’y snatcher na nambiktima sa isang Lalamove driver matapos masakote at makuhanan pa ng shabu sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong robbery snatching at paglabag sa R.A 9165 ang naarestong mga suspek na si Rafael Damian, 21, ng 117 KKK St. Brgy. 150 at Richard Martinez, 31, ng Milagrosa Ext. Brgy. 154, kapwa ng lungsod.
Sa nakarating na ulat sa bagong hepe ng Caloocan Police na si P/Col. Dario Menor, alas-11:40 ng gabi, minamaneho ng Lalamove driver na si Elizalde Manansala, 47, ng 161 Ramenad St. Brgy. 154, ang kanyang motorsiklo habang tinatahak ang kahabaan ng North Diversion Road (NDR), Brgy. 154 nang pansa-mantala itong huminto upang tingnan ang kanyang cellphone.
Gayunman, bigla na lamang sumulpot mula sa likuran ang mga suspek at hinablot ang kanyang cellphone saka mabilis na tumakas habang humingi naman ng tulong ang biktima sa mga barangay opisyal.
Dahil sa mabilis na pagresponde ni Brgy. 154 Ex-O Eliver Apilado at Kagawad Rowah Latagan, agad naaresto ang mga suspek kung saan narekober sa kanila ang isang cellphone at dalawang plastic sachets na naglalaman ng 3.04 gramo ng shabu na nasa P20,672 standard drug value ang halaga. (Richard Mesa)
-
Sa pagiging role model sa mga kabataan sa buong mundo: LEA, tinanghal na 2022 Time Magazine Impact Awardee
Ang Philippines’ Pride na si Lea Salonga ang tinanghal na 2022 Time Magazine Impact Awardee for inspiring children of color around the world. Ang Broadway Superstar at Disney Princess ay kabilang sa mga pararangalan ngayong taon ng TIME100 Impact Awards na kumikilala sa mga pandaigdigang lider at visionaries na higit na sumulong sa kani-kanilang […]
-
Ads November 7, 2022
-
Valenzuela LGU, Ford motors nagsagawa ng libreng driving training
SA pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na isulong ang ligtas na pagmamaneho, nakipagtulungan sina Mayor WES Gatchalian at Konsehal Sel Sabino-Sy sa Ford Motors Company at nagsagawa ng pagsasanay na tinawag na “Ford Driving Skills For Life,” na ginanap sa Club House, Barangay Canumay West. Halos 300 katao ang nakilahok sa nasabing […]