• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ika-13 titulo asinta ng Perpetual Help Altas

NADAGDAGAN ang preparasyon ng mga bataan ni Perptual Hep Altas coach Sinfronio ‘Sammy’ Acaylar para sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 95 men’s volleyball finals.

 

Kasalukuyang sagaran sa training ang UPH para paghandaan ang paparating na best-of-three finals makaraan ang 9-0 sweep sa elimination para sa awtomatikong pasok sa championship round.

 

“Maganda na magbabalik na uli ang games sa March 16, pero kami mag-aantay pa rin kasi may two play dates pa ang men’s team and then may stepladder pa ang makakalaban namin,” litanya ni Acaylar.

 

Makakatuos ng Las Piñas-based spikers sa finals ang alinman sa Arellano Chies, Aguinaldo Generals o St. Benilde Blazers na mga babagtas pa sa stepladder matches.

 

Pakay naman ni Acaylar na ibigay sa Perpetual ang ika-13 korona sa liga para mapantayan ang Letran na may pinakamaraking karangalan.

 

Sa pagtimon ni Acaylar, nakakopo na ang Altas ng mga kampeonato sa mga taong 1986, 1987, 1988, 1989, 1990, 2011, 2012, 2013, 2014, 2016, 2018 at 2019.

 

“We do regular practice and tune-up games against other commercial teams and UAAP (University Athletic Association of the Philippines) teams to stay–in-focus,” panapos na dada ni Acaylar. “We will correct all the lapses and errors in plays and improve to almost perfect receive, defense and blockings.”

 

Good luck na lang sa inyo coach Sinfronio.

Other News
  • Classroom shortage, top priority dapat ng –DepEd

    NAIS ng mga nakakaraming Filipino na unahin at resolbahin ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan sa mga silid-aralan.     Base sa survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Setyembre 17-21,2022, tinanong ang 1,200 respondents kung alin sa mga nakalistang isyu ang dapat aksyunan.     Nasa 52% ang tumukoy sa kakulangan ng silid […]

  • DBM, ipinalabas ang mahigit sa ₱8 bilyong cash allocation para sa rice farmers’ subsidy

    IPINALABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang notice of cash allocation na nagkakahalaga ng mahigit sa ₱8 bilyong piso para pondohan ang subsidiya para sa mga  eligible na rice farmers.     Sa isang kalatas, sinabi ng departamento na inaprubahan ni DBM Sec. Amenah Pangandaman, araw ng Biyernes, Hulyo 29,2022, ang pagpapalabas […]

  • Kapitbisig sa Pag-unlad MPC, naiuwi ang Cooperative Awards for Continuing Excellence sa GGK 2022

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sa lahat ng natatanging mga kooperatiba sa lalawigan, naiuwi ng Kapitbisig sa Pag-unlad MPC mula sa bayan ng Pandi ang pinakamataas na parangal na Cooperative Awards for Continuing Excellence sa isinagawang Gawad Galing Kooperatiba 2022 sa pangunguna ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng […]