• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘The Apprentice’ sa ONE, inilunsad; Closed-door fight, kasado na

INILUNSAD ng ONE Championship, nangungunang MMA promotion sa Asya, ang ‘The Apprentice: ONE Championship Edition’.

 

Sa basbas ng MGM Television, itatampok sa ‘The Apprentice’ ang 16 na kalahok na sasabak sa ‘high-stakes game of business competitions and physical challenges’ kung saan naghihintay ang US$250,000 job offer sa ilalim ng opisina ni Chatri Sityodtong sa ONE Championship Global Headquarters sa Singapore.

 

Kabuuang 12 top CEOs (1 CEO per episode) sa Asya ang tatayong hurado kasama ni Sityodtong. Nakatuon ang kompetisyon sa pamamaraan ng mga kalahok na makaagapay sa iba’t ibang isyu sa negosyo, habang ang katatagan ng kanilang pangangatawan ay masusukat ng mga piling World Champion ng ONE.

 

“I am thrilled to announce ‘The Apprentice: ONE Championship Edition’ as our biggest foray into the non-scripted series genre. This brand new concept brings a completely unique and original dimension to ‘The Apprentice’ with the high-stakes drama of real-life business competitions, coupled with herculean physical challenges, featuring some of Asia’s top CEOs, the world’s greatest martial arts world champions, and A-list celebrities from across the continent. In combining our respective IP and assets, ONE Championship will redefine the non-scripted genre in Asia across scale and scope. ‘The Apprentice: ONE Championship Edition’ just might be the toughest in the history of all Apprentice shows!” pahayag ni Sityodtong, Chairman at CEO ng ONE Championship.

 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.onefc.com, gayundin ang Twitter and Instagram @ONEChampionship, at Facebook https://www.facebook.com/ONEChampionship.

 

Una na ring nagbigay ng pahayag ang pamunuan ng ONE Championship na gawing isang “closed -door” event ang labanan na magaganap na ONE: KING OF THE JUNGLE, na nakatakda sa darating na Pebrero 28 na gaganapin sa Singapore Indoor Stadium.

 

Sa kanyang social media account, sinabi ni Sityodtong na tuloy ang laban ngunit isasara naman ang nasabing venue sa mga manonood at maging sa media sanhi na rin ng lumalaganap na sitwasyon sa Singapore sanhi ng kumakalat na virus na Novel Coronavirus o COVID-19.

 

Naglabas ng pinal na desisyon ang mga organizers base sa inilabas ng Ministry of Health ng Singapore na umabot na sa 75 ang kumpirmadong tinamaan ng coronavirus.

 

Ibabalik ng buo sa mga tagasubaybay na nakabili na ng ticket ang kanilang binayad sa pamamagitan ng Sportshub Tix, na siyang opisyal na kapartner ng ONE pagdating sa pagbebenta ng mga tiket nito sa Singapore.

 

Ang mga laro ay ay itutuloy at mapapanood pa rin naman ng live sa telebisyon at iba pang mga mga “digital platform” gayundin sa ONE Super App.

 

Ang event na ONE: KING OF THE JUNGLE ay magkakaroon ng dalawang bahagi kung saan ONE World Champion na si Stamp Fairtex ng Thailand ay dedepensahan ang kanyang titulo na ONE Atomweight Kickboxing World Title kontra kay Janet “J.T.” Todd ng Estados Unidos.

 

Sa isa pang main-event ang reigning ONE Strawweight Kickboxing World Champion na si Sam-A Gaiyanghadao ng Thailand ay sasabak naman kontra kay Lachlan “Rocky” Ogden ng Australia para sa ONE Strawweight Muay Thai World Title.

 

Ang pambato naman ng Singapore na dating ONE World Title challenger na si Amir Khan, ay sasamahan naman ng kanyang mga kakampi na sina Tiffany “No Chill” Teo at Radeem Rahman gayundin sina Troy Worthen at Ritu “The Indian Tigress” Phogat na pawang mga taga Singapore din ang asamang mapapanood sa labanan.

Other News
  • Wala sa tabi si Juancho dahil nasa lock-in taping: JOYCE, inaming ‘di naging madali ang first trimester sa ikalawang pagbubuntis

    KINUWENTO ni Joyce Pring na hindi naging madali ang pinagdaanan niyang unang trimester sa pagbubuntis sa baby number 2 nila ni Juancho Triviño dahil nasa lock-in taping ito.   August 19 noong sabihin ni Joyce kay Juancho na buntis siya ulit. Pero nasa lock-in taping daw si Juancho ng ‘Maria Clara At Ibarra’ sa malayong […]

  • Sa halip na tumakbong senador: ISKO, gustong maglingkod uli bilang mayor ng Maynila

    NAKATAKDANG magtapos ngayong Biernes ang “Pira-Pirasong Paraiso” kung saan isa sa mga bida si Elisse Joson .    Kuwento pa ni Elisse sa mediacon ng nasabing serye ng Kapamilya network na super enjoy daw siya sa kanyang pagiging kontrabida bilang si Hilary.   “It was so fun and very personal that I was able I […]

  • Pinay boxer Aira Villegas pasok na sa quarterfinals ng women’s 50 kgs. matapos talunin ang Algerian boxer

    NAKUHA ng Pinay boxer ang unanimous decision laban kay Romaysa Boulam ng Algeria. Sa unang round ay dominado ni Villegas ang laban kung saan pinaulanan nito ang mga suntok ang Algerian boxer. Pinilit pang humabol si Boulam subalit hindi nagpatinag si Villegas hanggang tuluyang matapos ang last round at ideklara siyang panalo. Aminado si Villegas […]