• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PINOY SKATERS, POKUS SA TOKYO OLYMPICS

HINDI naging balakid ang malaking kawalan ng world-class training facility sa bansa, dahil sa ‘di matatawaran ang kahusayan ng Pinoy skateboarders na patuloy na namamayagpag sa kasalukuyan.

 

Sinabi ni Carl Sembrano, bagong halal na pangulo ng Skateboarding and Rollerskates Sports Association of the Philippines (ARSAP), malaki ang tsansa ng mga Pinoy na mapasabak sa 2020 Tokyo Olympics.

 

“Kahit ako talagang nagugulat sa ipinakikitang galing ng ating mga skater. After dominating the SEA Games, tuloy ang magandang performance natin particularly sa abroad. To tell you frankly, ako mismo nagugulat sa kanilang galing, despite the fact that we have no international standard training facility,” pahayag ni Sembrano. “Sa US tournament, halos isang oras lang nagsanay ang ating mga skater sa facility na first time lang nilang nalaruan. After the event, No.5 si Margielyn Didal. What more kung meron tayong pasilidad na pagsasanayan nila.”

 

Kaya panawagan ni Sembrano sa pamahalaan at sa mga pribagong sektor na tulungan silang makapagpatayo ng pasilidad na batay sa international standard. “Ang PSC at POC po ay sumusuporta sa amin sa lahat ng aspeto pero iba po yung sarili naming pasilidad,” dagdag niya.

 

May itinayong skateboarding facility sa Tagaytay City na ginamit din sa 39th SEA Games noong Disyembre, ngunit sinabi ni Sembrano na hindi ito international standard dahil gawa lamang sa mga mahihinang material.

 

“But again despite of this, our skaters won six gold medals with Didal dominating the SKATE and women’s street skate completion,” giit ni Sembrano sa forum ng mga miyembro ng TOPS o Tabloid Organization in Philippine Sports.
Tulad ni Didal, kasalukuyang No. 8 sa World Ranking sa Street event, nakatuon din ang pansin nina De Lange at Feliciano, gayundin ang iba pang miyembro ng national team, sa pagsabak sa Olympic qualifying events sa abroad.
“Because of the Corona virus scare, hindi nakasali ang ating mga skater sa Olympic qualifying sa HongKong and Australia. Meron pa namang nakalinya na puwede naming salihan and hopefully makakuha tayo ng slots for the Tokyo Games,” paliwanag ni Sembrano.

 

Para naman kay De Lange, hindi lamang ang Olympics ang kanyang pakay kundi ang mahikayat ang mga kabataan na subukan ang sport na skateboarding.

 

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa siya ng libreng skateboarding clinics sa Filinvest, Muntinlupa.

 

“Last time we have 50 participants. This Sunday I expected the number to double. It’s good for the sports. With the help of Blackwater, my mission is to help the kids and old alike to learn the basics,” sabi ni De Lange. “So bring your skateboard and join us this Sunday. It’s free and open to everybody.”

Other News
  • Ang reunion na pinakahihintay ng lahat: PIA, masayang pinost ang muling pagkikita nila ni Miss Columbia ARIADNA

    KAHIT kami ay nagulat at natuwa na makita ang litrato na magkasama sina Pia Wurtzbach at Ariadna Gutierrez!     Well sino ba naman ang makakalimot sa nangyari noong Miss Universe 2015 kung saan nagkamali si Steve Harvey ng announcement ng winner, na sa halip na Philippines ang tawagin niya ay Colombia ang inanunsiyo niyang […]

  • 18 bata at 1 adult patay sa pamamaril sa isang paaralan sa Texas

    PATAY ang 18 bata  at 1 adult matapos na sila ay pagbabarilin sa isang elementary school sa Texas.     Kabilang sa nasawi ang 18-anyos na suspek na namaril sa Robb Elementary School.     Pawang mga mag-aaral ang nasawi at isang guro ang namatay.     Hindi pa inilalabas ng mga otoridad ang detalye […]

  • Ayo malabo sa Letran

    KINONTRA kaagad ni Colegio De San Juan de Letran men’s basketball team coach coach Bonnie Tan ang mga naglalabasang ulat na papalitan siya kahit binigyan niya ng korona ang Knights noong isang taon sa gitnaan ng kontrobersiya sa University of Santo Tomas.   “May kulang yata sa tweet, nakikipag-swap ng position lang naman,” bulalas ni […]