• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Implementasyon ng RA 10070, siniguro ng Bulacan provincial social welfare

SA tagubilin ni Gobernador Daniel R. Fernando, siniguro ni Bulacan Provincial Social Welfare and Development Officer Rowena Joson-Tiongson na maayos na naipatutupad sa lalawigan ang Republic Act No. 10070 kung saan nakapaloob ang pagkakaroon ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) dahilan upang magkaroon ng PWD General Assembly sa Mall Atrium, SM Pulilan.

 

Ipinaliwanag ni Tiongson na bagama’t kasama sa People’s Agenda ng gobernador, ang nasabing batas na tumitiyak para sa mas malawak na pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa mga taong may kapansanan sa bawat lalawigan, lungsod at bayan ay ginagawa sa Bulacan, kaugnay nito nagpaskil ng bakanteng posisyon para sa PDAO IV sa ilalim ng PSWDO.

 

“Nag-post ang PHRMO ng notice of vacancy noong January 29 hanggang February 13, masusing siniyasat lahat ng documents as required by the Civil Sevice Commission including their educational background, training, expertise and eligibility, kinakailangan na yung mga nag-qualify ay dumaan sa ganitong assembly at maiharap sa inyo,” ani Tiongson.

 

Nasa 12 ang aplikante na nagsumite sa HR, tatlo ang natirang kwalipikado na iniharap sa mga taong paglilingkuran nila sa malapit na hinaharap at iminungkahi ni Briccio Aguilar, pangulo ng Kasama ka Samahan ng mga Taong may Kapansanan o KASAMAKA sa Bulacan na hindi na kailangang dumaan sa secret balloting ang tatlo dahil kakaunti lamang at napagkasunduan din na awtomatikong kasama na sila sa mga sasalain ng Personnel Selection Board at sa huli, nasa pagpapasya ng gobernador na nakasaad sa batas.

 

Sinabi din ni Aguilar na nasasabik na silang magtrabaho at gumawa ng maraming proyekto para sa mga PWD kasama ang sinumang papalaring maging pinuno ng PDAO.

 

“Salamat at may makakasama na kami na kakatawan talaga sa amin,” ani Aguilar.

 

Ayon pa kay Tiongson, pagkalipas ng 45 araw, ipapaskil nila ang pangalan ng mapipili para sa nasabing posisyon at ibinahaging umaasa sya na higit nilang matutugunan ang pangangailangan ng mga PWD sa lalawigan.

 

Bago nito, nagpakitang gilas ang mga PWD ng iba’t ibang talento upang magpasaya at nagsalu-salo ng pananghalian.
Ipinaliwanag din sa kanila ni Patricia Alvaro, health educator ng Provincial Health Office-Public Health ang kasalukuyang estado sa lalawigan ng Corona Virus Disease (COVID19) na dating kilala sa tawag na Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease o ang 2019-nCoV ARD at mga paraan kung paano ito maiiwasan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ads November 11, 2020

  • Sylvester Stallone and Jason Statham, Back for ‘Expendables 4’ with Megan Fox and 50 Cent

    JASON Statham and Sylvester Stallone are officially returning for Expendables 4 with several new cast members.     In 2010, Stallone brought together some of the action genre’s biggest stars including Statham, Jet Li, Dolph Lundgren, Mickey Rourke, Terry Crews, Steve Austin, and Randy Couture for a bloody and brutal take on 90s era action flicks.     The film followed the […]

  • DFA, gumawa na ng arrangements para sa pagpapauwi ng mga natitira pang Pinoy sa Kabul, Afghanistan

    GUMAWA na ng arrangements o pagsasaayos ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa repatriation o pagpapauwi sa mga natitira pang mga Filipino na nasa Kabul, Afghanistan.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tinatayang nasa 32 Filipino na ang nailikas kagabi, Agosto 15 at ngayon ay nasa Doha na at naghihintay ng kanilang flight […]