• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

YORME ISKO, PINANGUNAHAN ANG 120TH ANNIVERSARY NG MPD

“Ang karanasan ko sa pakikisalamuha sa mga kriminal, nagagamit ko ngayon bilang isang Mayor”

 

 

Ito ang isa lamang sa mensahe ni Mani Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang pagdalo bilang pangunahing pandangal sa ika-120th founding anniversary ng Manila Police District (MPD) Miyerkoles,  sa MPD headquarters sa UN Ave., Manila.

 

 

Sa kanyang mensahe, ikinuwento nito ang naging buhay niya noong bata pa siya kung saan lumaki siya sa Tondo at nakisalamuha sa lahat ng uri ng klase ng tao kabilang ang mga kriminal kung saan nagagamit niya ngayon kung paano makisama.

 

Bahagi ng pagdiriwang ang wreath laying ceremony sa mga napaslang na miembro ng MPD ganundin ang pagbibigay ng award o pagkilala sa pangunguna ni Mayor Isko at Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.

 

Sa kanyang talumpati, sinabi  ng alkalde na sa kanyang isang taon at anim na buwang panunungkulan ipinagmamalaki nito ang mga  kapulisan ng Maynila sa pamumuno ni MPD Director P/Brig.General  Leo Francisco dahil sa pagpapatupad mg kaayusan at katahimikan sa Maynila.

 

Muli rin itong nagbabala sa mga kriminal dahil ang mga kapulisan aniya ng MPD ay hindi napapagod na gampanan ang kanilang tungkulin na naayon  na rin sa kanyang mga direktiba .

 

Ayon kay Domagoso ang pagbabago ay ang pagtanggap ng katotohanan.

 

Pinuri din ni Domagoso ang mga kapulisan ng MPD dahil sa tiyaga at high tolerance nila   sa mga tolongges at mga kawatan na kanilang naaresto.

 

Aniya, malaking bagay ang pagpapatupad ng mga alituntunin  na binibigay ng mga kapulisan  lalo na ngayong panahon ng pandemic.

 

Nagpasalamat naman si General  Francisco sa lokal na pamahalaan dahil sa 100 porsyentong suporta nito sa kapulisyahan ng MPD kapalit naman ng maayos nilang pagseserbisyo sa lungsod. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Libreng bakuna vs Pertussis, larga na sa Maynila

    LARGA na ang 44 health centers ng lungsod ng Maynila sa pagbibigay ng libreng bakuna laban sa nakamamatay na sakit na Pertussis na karaniwang tumatama sa mga sanggol o bata.     Nanawagan si Mayor Honey Lacuna sa mga magulang at guardian na dalhin ang mga anak na bata  sa pinakamalapit na health center at […]

  • OPISYALES SA ‘pastillas modus’, sibak kay digong

    SINIBAK ni Pangulong Duterte ang lahat ng opisyal at empleyado na sangkot sa pinakabagong iskandalo sa Bureau of Immigration (BI) kung saan pinapayagang makapasok ang mga Chinese national kapalit ng “pastillas” bribery scheme ilang libong piso.   Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na itinuturing ni Duterte na napakagrabe at […]

  • Kaya nagtagal at maituturing na iconic actress: DINA, minahal at niyakap ang talentong binigay ng Diyos

    ISA sa maituturing na iconic actress ng Pilipinas si Dina Bonnevie; sa palagay niya, bakit siya nagtatagal sa industriya?     “Ako simple lang, siguro kasi mahal ko yung trabaho ko, talagang niyakap ko and tinanggap ko yung binigay sa aking regalo ng Panginoon.     “Kumbaga He gave me the gift of acting, parang… […]