• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fajardo papuwede na sa Abril – Austria

INALIS ni Leovino ‘Leo’ Austria ang agam-agam ng mga Philippine Basketball Association (PBA) at Beermen fan sa pag-absent ni June Mar Fajardo sa Gilas Pilipinas para sana sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiet third window sa Clark sa Pebrero 15-23.

 

 

Ginarantiyahan ng San Miguel coach na sigurado naman ang pagbabalik ng six-time pro league Most Valuable Ppalyer (MVP) para  sa 46th PBA 2021 Philippine Cup na nakatakdang mag-umpisa parating na Abril 9.

 

 

Isinalaysay ang kaganapan ng veteran cage mentor nitong isang araw, na makakalaro ang 31 taong-gulang, 6-10 na sentro, base na rin sa pagsusuri ni orthopedic surgeon Dr. George Raul Canlas.

 

 

Lumiban nakaraang season ng unang Asia’s play-for-pay hoop ang franchise player ng serbesa dahil sa leg injury noong Pebrero 2020.

 

 

“Before the holidays I was able to talk to Dr. Canlas, asking the situation June Mar had. He told me definitely. He could return and play in the next season,” bigkas ni Austria, 62.

 

 

Dinagdag pa ng beteranong bench strategist, “So, maganda ang result ng kanyang healing process and it’s a matter of time to strengthen those muscles supporting his legs. I think by the end of this month, he’s ready to have another workout.” (REC)

Other News
  • Olympic meeting sa Beijing kinansela dahil sa banta ng covid-19

    Kinansela ang gagawing sports conference ng mga Olympic stakeholder sa Beijing dahil sa coronavirus outbreak.   Dahil dito ang nasabing pagpupulong na gaganapin mula Abril 19 hanggang 24 ay gagawin na lamang sa Lausssane, Switzerland.   Magpapalitan kasi ng mga idea ang mga iba’t ibang sports governing bodies tatlong buwan bago ang gaganaping Tokyo Olympics. […]

  • GINANG, NADAGANAN NG BAKAL NA POSTE, PATAY

    NASAWI ang isang 53-anyos na ginang nang madaganan ng isang bakal na poste nang natumba matapos na nabangga ng isang dump truck sa Tanza, Cavite Huwebes ng hapon.     Isinugod pa sa Manas Hospital ang biktimang si  Ma.Fe Gutierrez Nazareno, may-asawa, isang Food handler ng Concepcion Brgy. Timalan, Naic, Cavite subalit idineklarang dead on […]

  • Roland Emmerich’s Next Disaster Film, ‘Moonfall’, Unveils New Character Posters

    ROLAND Emmerich’s upcoming disaster film, Moonfall, shares new character posters.           Emmerich is no stranger to the disaster genre, having previously helmed Independence Day, The Day After Tomorrow, and 2012, with this new project set to continue the trend. Moonfall sees the Moon knocked from its orbit and sent on a collision course with Earth.           With only weeks until impact […]