Pamilya Dacera, kinontra ang medico-legal report
- Published on January 30, 2021
- by @peoplesbalita
Kinontra ng ina ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera ang ikalawang report ng medico legal ng PNP na nagsabing walang naganap na homicide kundi natural death ang nangyari dito.
Ayon kay Sharon Dacera na hindi sila nagbigay ng permiso kay Lt. Col. Joseph Palermo ng PNP Crime Lab na kumuha ng anumang bahagi sa organs ng kanyang anak.
Ito rin ang sinabi ni Atty. Roger “Brick” Reyes, tagapagsalita ng pamilya Dacera na nagsabing isang “total misrepresentation” ang pahayag ni Palermo lalo pa nga’t inilabas ito isang araw matapos ilibing si Christine.
“Ang mga labi ni Christine ay nasa General Santos City na noong Enero 7, inilibing siya ng Jan.10 at ang report ay Jan. 11, samakatuwid hindi ito autopsy report”, pahayag pa ni Reyes.
Hindi umano ito maikokonsidera na autopsy report dahil hindi naman nagsagawa ng autopsy si Palermo sa mga labi ni Christine. Isa lang umano itong eksaminasyon sa ilang bahagi ng organs ni Christine.
Pinuna rin ni Reyes ang report ni Palermo na isang ‘opinionated’.
Mas makakabuti umanong hintayin ang resulta ng isinagawang autopsy ng NBI.
Ayon naman sa kampo ng mga inaakusahan, hindi umano opinyon lang ang lumabas na report ng medico legal.”Mga professional ‘yan, hindi sila maglalabas ng report na walang basehan o opinyon lamang, scientific finding ‘yan ng doktor”, pahayag naman ni Atty, Mike Santiago sa panig ng mga inaakusahan.
Samantala, pakiusap naman ng mga respondents sa ina ni Dacera: ‘Sana ma-realize niyang may 11 ding inang nasasaktan’
Paliwanag nito, ang medico legal report ay base sa otopsiya na isinagawa sa katawan ni Dacera.
Hindi raw haka-haka o opinyon lang ang lumabas na resulta dahil bunga ito ng scientific findings ng mga doktor.
Sinabi rin ni Santiago na ayaw nilang makialam sa findings ng investigating prosecutors dahil tiwala raw ang mga itong susuriin nang maayos ng mga prosecutors ang mga ebidensiya para magkaroon ng patas na resolusyon.
Dahil dito, hiling ng respondent na si Greg de Guzman na irespeto ang resulta ng medico legal dahil nakipaglaban din umano ang mga ito para lamang mapanatag ang ina ni Christine na si Sharon.
Umaasa si de Guzman na ma-realize ng ina ni Christine na hindi lamang siya ang nasasaktan dahil 11 ring ina sa ngayon ang nasasaktan at 11 katao ang naiipit dahil sa insidente. (Daris Jose)
-
Pinay tennis sensation Alex Eala, bigo kaagad sa Australian Open tournament
Maagang nabigo sa tennis tournament si Alex Eala sa kanyang pro grand slam debut sa Australia Open. Ang Pinay tennis sensation na si Eala, ay nabigo ng kanyang kontra katunggali na si Misako Doi ng Japan sa qualifying match na tumagal ng 2 oras at 37 minuto. Sa pagkapanalo ng Japan, makakaharap ni […]
-
Laban ng Pilipinas at Vietnam nagtapos sa 1-1 draw
NAGTAPOS sa 1-1 draw ang laban ng Philippine Men’s Football Team laban sa Vietnam sa ASEAN Mitsubishi Electric Cup na ginanap sa Rizal Memorial Stadium sa lungsod ng Maynila. Unang nakapagtala ng goal ang Pilipinas sa pamamagitan ni Jarvey Gayoso sa loob ng 68th minuto ng laro. Nagdiriwang na sana […]
-
ALDEN, nakapag-celebrate pa rin ng 30th birthday sa ‘Eat Bulaga’ kahit nasa Amerika; may teleserye sila ni BEA bukod sa pelikula
NAG-CELEBRATE pa rin si Asia’s Multimedia Star Alden Richards ng kanyang 30th birthday sa Eat Bulaga last Monday, January 3, dahil that time ay January 2 pa sa San Francisco, California, his actual birthday. At nakipagkulitan pa si Alden kina Vic Sotto, Joey de Leon, Jose Manalo, Wally Bayola, Allan K at sa guest […]