NCR at Davao City, mananatili sa ilalim ng GCQ; CAR at 6 na iba pa, isinailalim din sa GCQ para sa buong buwan ng Pebrero- Sec. Roque
- Published on January 30, 2021
- by @peoplesbalita
MANANATILI sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) classification ang National Capital Region (NCR) at Davao City simula sa darating na Lunes, Pebrero 1 hanggang Pebrero 28, 2021.
Bukod sa NCR at Davao City ay isinailalim din sa GCQ ang mga lalawigan ng Batangas at Cordillera Administrative Region na kinabibilangan ng Abra, Apayao, Benguet, Baguio City, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province para sa Luzon; Tacloban City para sa Visayas; Davao del Norte, Lanao del Sur at Iligan City para sa Mindanao.
Ang Santiago City, Ormoc City, at iba pang lugar ay isinailalim naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
“Binigyan na po tayo ng pahintulot ng ating Presidente para ianunsyo ang quarantine classifications mula mula February 1 hanggang 28 ng taong ito. The abovementioned risk-level classifications will take effect starting Monday, February 1 until February 28, 2021,” ayon kay Sec. Roque.
“Uulitin ko po, nasa ilalim po ng GCQ ang mga sumusunod: ang NCR, ang CAR, kasama ang Abra, Apayao, Benguet, Baguio, Ifugao, Calinga, Mountain province; ang Batangas province, ang tacloban City, ang davao city, ang davao del norte, ang lana del sur, at ang iligan city. lahat po ng iba pang lugar sa Pilipinas ay mapapasailalim sa modified general community quarantine,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
-
SANYA, inamin na mas na-challenge sa pagganap na ‘First Lady’ kaya inaral na mabuti
NGAYONG Valentine’s Day, hinahandog ng GMA Entertainment Group ang isa sa most anticipated series at sequel sa Philippines’ No. 1 show for 2021, ang First Lady. The original drama stars once again the swoon-worthy pairing of award-winning actor Gabby Concepcion bilang President Glenn Acosta at ang brilliant Kapuso actress Sanya Lopez bilang First Lady Melody Acosta. […]
-
MANGGAGAWA NG PAL, TUMANGGAP NA NG SEPARATION PAY
NAKATANGGAP na ng kanilang separation pay ang mahigit sa 1,4000 manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) na natanggap sa trabaho. Sa pahayag na inilabas ng Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) umabot sa P2.31 bilyon ang separation pay na naipamahagi sa 1,455 apektadong mangggagawa . Ang nasabing mga manggagawa na […]
-
1 Thessalonians 5:15
Always seek to do good to one another and to all.