3 minors, 4 pa arestado sa droga sa Caloocan
- Published on February 1, 2021
- by @peoplesbalita
Arestado ang pitong hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong menor-de-edad na narescue ng mga awtoridad sa Caloocan city.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 10:50 ng gabi, nagsasagawa ang mga tauhan ng East Grace Park Police Sub-station 2 ng Oplan Galugad sa Raja Soliman St. Brgy. 37 nang isang concerned citizen ang nagreport sa kanila hinggil sa nagaganap na transaksyon ng illegal na droga sa lugar.
Nang respondehan, nakita ng mga pulis ang magkadikit na si Albert Baluyot Lim Jr, 43, tricycle driver at Denver Enriques Alano, 18, na nagtatransaksyon umano ng ilegal na droga subalit, nang mapansin ng dalawa ang mga parak ay mabilis silang nagpulasan.
Hinabol sila ng mga pulis at nang makorner ay nakuhanan ang mga suspek ng tig-isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P1,360 ang halaga bawat isa.
Nakuhanan naman ng dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at drug paraphernalias si Jade Pendon, 18, ALS student, at ang 17-anyos na binatilyo makaraang takbuhan ng mga ito ang mga tauhan ng NPD-DMFB na nagsasagawa ng Oplan Sita sa EDSA-Bagong Barrio, Quarantine Control Point (QCP), Caloocan city habang sakay ng isang motorsiklo dakong 12:45 ng madaling araw.
Nauna rito, alas-10:21 ng gabi nang arestuhin ng pinagsamang mga tauhan ng Sub-Station 5, NPD-DMFB at RDEU-NCRPO na nagsasagawa ng checkpoint sa kahabaan ng EDSA corner F. Aguilar St. Brgy. 139 si Rodel Sebastian, 20, habang sakay ng minamanehong tricycle kasama ang dalawang binatilyong estudyante na kapwa 14-anyos ang edad makaraang tangkain tumakas ng mga ito nang hanapan ng lisensya at quarantine pass.
Nang kapkapan, narekober sa kanila ang dalawang medium plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruiting tops na tinatayang nasa P3,770 ang halaga at isang improvised glass tube pipe. (Richard Mesa)
-
Stunt Coordinator Praises Working with Michelle Yeoh in ‘Everything Everywhere All at Once’
TIMOTHY Eulich, the stunt coordinator for Everything Everywhere All at Once, details and praises what it was like working with Michelle Yeoh. Written and directed by Daniels, the filmmaking duo of Dan Kwan and Daniel Scheinert, the new science fiction movie follows Yeoh’s character, Evelyn Wang, an aging Chinese immigrant who finds herself thrown […]
-
Kasama pa ang kanyang ina na si Esther Lahbati: SARAH, kabilang na rin sa mga Pinoy na may billboard sa New York
MAGPI-FINALE pa lang next week ang Mano Po Legacy: Her Big Boss, pero heto’t nag-launch na si Ken ng bago niyang single under GMA Music, ang “QuaranFling.” Obviously, inspired sa quarantine ngayong may COVID-19. At habang naka-quarantine nga, marami raw naging realization at the same time, achievement si Ken. “Kahit […]
-
PDu30, tikom pa rin ang bibig ukol sa term extension ni Carlos- DILG chief
HANGGANG ngayon ay wala pa ring sinasabi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa posibleng term extension ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos na nakatakdang magretiro sa Mayo 8. “There is no guidance from PRRD (President Rodrigo Roa Duterte). So far, Gen. Carlos will retire as scheduled,” ayon kay Department […]