Pinas, igigiit ang lahat ng karapatan laban sa bagong batas ng China
- Published on February 1, 2021
- by @peoplesbalita
IGIGIIT ng Pilipinas ang lahat ng karapatan nito patunay sa diplomatic protest na inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa bagong batas ng China na nag-uutos sa kanilang Coast Guard na maaaring gumamit na ng dahas o armas laban sa mga dayuhang barko na pupunta sa kanila teritoryo sa South China Sea.
“Under the United Nations Convention on the Law of the Sea, illegal fishermen should only post bail, and cannot be arrested, much less fired at. The Palace welcomes the foreign affairs department’s diplomatic protest against the new China law, ” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
“This will prove that the Philippines is fully committed to the rule of law, and will assert all its rights available under existing principles of international law to defend its interests ,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Pinalagan naman ni Sec. Roque ang naging panawagan ni Senador Risa Hontiveros na tuligsain ang kamakailan lamang na harassment ng China sa mga mangingisda sa Philippines-occupied Pag-asa island sa pinagtatalunang Spratlys archipelago.
“Hindi naman po dapat diktahan ni Senadora Hontiveros ang ating Presidente, at hindi na niya kinakailangan sabihin kung anong gagawin ng Presidente,” ayon kay Sec. Roque.
“But we will protect and secure the Philippines national interest. And detalye po (the details), we leave it to the Department of National Defense, and the Department of Foreign Affairs, as well as the Philippine Coast Guard, ” aniya pa rin.
Sinabi pa ni Sec. Roque na ang maritime issue ay walang epekto sa negosasyon ng Pilipinas para makakuha ng Chinese-made COVID-19 vaccines.
“Ibang usapin naman ang bakuna. Ang bakuna po is actually humanitarian act of the entire planet earth in response to a humanitarian disaster,” aniya pa rin.
Sa ulat, kumambiyo na si DFA Sec. Teddy Locsin Jr. at naghain na rin ng diplomatic protest laban sa China.
Una rito, binalewala lamang ni Locsin ang napaulat na bagong batas sa China na nag-uutos sa Coast Guard na maaaring gumamit na ng dahas o armas laban sa mga dayuhang barko na pupunta sa kanila teritoryo sa South China Sea.
Sinabi pa ng kalihim kamakailan bilang reaksiyon sa isang senadora, wala raw pakialam ang Pilipinas kung anuman ang batas na ipasa ng China.
Pero inamin ni Sec. Locsin na nagbago na siya matapos na mapag-isip-isip na ang implikasyon ng hakbang ng China ay mistulang banta sa giyera sa sinumang bansa lalo na at malapit ang Pilipinas at isa claimants sa ilang bahagi ng South China Sea.
Ayon pa kay Locsin kung hindi umano kukuwestyunin ang kontrobersiyal na polisiya ng China magmumukhang natatakot ang mga kalapit na bansa.
“After reflection I fired a diplomatic protest. While enacting law is a sovereign prerogative, this one—given the area involved or for that matter the open South China Sea—is a verbal threat of war to any country that defies the law; which, if unchallenged, is submission to it,” ani Locsin sa kanyang Twitter message. (Daris Jose)
-
DAHIL SA SELOS, LALAKI, KINATAY ANG LIVE-IN PARTNER
DAHIL sa selos at pagtangging muling magkabalikan, pinatay ang isang 31-anyos na dalaga habang inoobserbahan ang kasama nito sa bahay nang pagsasaksakin ng kanyang dating live-in partner saka rin ito nagsaksak sa sarili sa Imus City, Cavite Huwebes ng hapon, Kinilala ang biktima na si Janna Harodin Jama ng Ramirez Compound Brgy. Buhay […]
-
Pinas, South Korea lumagda sa free trade deal
ISANG free trade agreement (FTA) ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea sa sidelines ASEAN Summit sa Indonesia. Inaasahan na ang nasabing kasunduan ay makapagpapalakas sa investment relations at makalilikha ng trabaho sa Pilipinas. Sa kanyang report sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, sinabi ni Pangulong Ferdinand […]
-
Valenzuela LGU nagbigay ng dagdag na 25 bagong dump trucks sa WMD
SA matatag na pangako na pahusayin ang kalidad ng buhay ng bawat Pamilyang Valenzuelano at pagpapanatili ng kalinisan, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang blessing at turnover ceremony ng 25 bagong dump trucks para sa Waste Management Division (WMD) na ginanap sa 3S Center Mapulang Lupa, Lunes ng umaga. Ang pananaw ni Mayor WES na […]