• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National athletes komportable sa ‘Calambubble’

Komportable at walang anumang problema ang mga national teams ng boxing, taekwondo at karatedo sa loob ng ‘bubble’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

 

Dalawang linggo matapos pumasok sa ‘bubble’ training ay nasasanay na ang mga national boxers, taek­wondo jins at karatekas sa kanilang bagong kapaligiran.

 

 

“It’s great here po,” ani national karatedo team member Jamie Lim.

 

 

Nagsasanay ang nasabing tatlong national squads para sa mga lalahukang qualifying tournaments ng 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Kasama ni Lim, ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist, sa ‘Calambubble’ sina national karatekas Alwyn Batican, Ivan Agustin at Sharief Afif.

 

 

Nakatakdang sumabak ang national karatedo team sa Olympic qualifying tournament sa Paris, France sa Hunyo 11-13.

 

 

Kagaya ng mga karatekas ay wala ring reklamo ang mga national boxers at taekwondo jins sa kanilang ‘bubble’ training.

 

 

Tanging sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno pa lamang ang mayroong Olympic berth.

Other News
  • Pacquiao posibleng bumalik sa boxing – Buboy Fernandez

    HINDI ikinaila ni Buboy Fernandez ang posibilidad sa pagbabalik boxing ni Manny Pacquiao.     Nakatakda kasi ng magkaroon ng exhibition fight si Pacquiao laban kay South Korean YouTuber DK Yoo sa Disyembre.     Ayon sa personal trainer at kaibigan ng dating senador na si Fernandez na ang exhibition fight ng boxing champion ay […]

  • Sindikato sa ‘fund parking scheme’ sa DPWH, pinasisilip

    PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Alan Peter Cayetano sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang umano’y sindikatong nasa likod ng illegal realignment ng bilyon-bilyong pondo sa panukalang 2023 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).     Ayon kay Cayetano, bilang dating Speaker ng Kamara ay nakarating sa kanyang impormasyon na mayroong grupo na nagkokontrol […]

  • 2 GURO KABILANG SA MGA BAGONG SCHOLAR NG NAVOTAS

    DALAWANG guro sa pampublikong paaralan ang nabigyan ng scholarship sa ilalim ng NavotaAs Academic Scholarship Program para sa paparating na school year 2024-2025.       Pumirma ng memorandum of agreement si Mayor John Rey Tiangco kasama si Navotas Schools Division Superintendent Meliton Zurbano at 28 benepisyaryo ng nasabing programa.       Kabilang sa […]