• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1-year after Kobe Bryant’s death: US transportation board ilalabas ang ‘probable cause’ sa chopper crash

Nakatakdang isapubliko ng National Transportation Safety Board (NTSB) sa Amerika sa kanilang board meeting sa Feb. 9, 2021 ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa pagbagsak ng helicopter ng basketball legend na si Kobe Bryant na kasama ang anak at iba pa.

 

 

Kasabay nito, maaari rin daw maglabas ang NTSB ng ilang serye ng safety recommendations kasunod ng naturang malagim na trahedya.

 

 

Kung maalala eksaktong isang taon na nang mangyari ang helicopter crash sa gilid ng kabundukan ng Santa Monica Mountains malapit sa Calabasas, California.

 

 

Sina Kobe ay papunta sana sa youth basketball tournament nang makasalubong ng piloto ang makapal na hamog hanggang sa bumagsak sila.

 

 

Sa ngayon maraming kaso pa ang nakabinbin, pati mga lawsuits na hindi pa rin nareresolba ng korte at ng mga imbestigador.

 

 

Ang misis ni Bryant na si Vanessa ay naghain din ng ilang mga kaso maging sa namamahala sa helicopter.

Other News
  • 97 bagong Delta variant, natukoy

    Umakyat na sa 216 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang nasa 97 bagong kaso ang natuklasan ng Department of Health (DOH) sa pinakabagong ‘whole genome sequencing’.     Sa 97 bagong kaso, 88 ang mga lokal na kaso, anim ang mga Returning Overseas Filipinos (ROF), at tatlo ang kasalukuyang bineberepika […]

  • Mga miyembro ng media, kasama na sa A4 priority group list para mabakunahan ng COVID vaccine

    KABILANG na ang mga miyembro ng media sa nabigyan ng prayoridad kaugnay ng nagpapatuloy na vaccination program ng gobyerno.   Ito ang nakasaad sa pinakahuling resolusyon na inilabas ng Inter Agency Task Force (IATF) kasunod ng ginawang pag- aapruba sa Priority Group A4 of the National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.   Saklaw ng resolusyon ang […]

  • Cool Smashers dumikit sa Finals

    NAPIGILAN ng Creamline ang hamon ng Choco Mucho tungo sa 25-18, 17-25, 25-19, 25-11 panalo para makuha ang 1-0 bentahe sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference best-of-three semifinal series kahapon sa The Arena sa San Juan City.     Muling nagpasabog ng malakas na puwersa si opposite hitter Tots Carlos na bumomba ng 26 […]