• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 tulak timbog sa P340-K shabu

DALAWANG tulak ng illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na bagets ang arestado matapos makuhanan ng nasa P340,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

Kinilala ni Caloocan City Po- lice Chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na si Alcar Dugay, 20 ng Gonzales St. Brgy. 69 at Joon Job Payumo, 18 ng Masagana St. Brgy. 73.

 

Sa report ni Col. Menor kay Northern Police District (NPD) P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, ala-1 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang mga suspek sa buy-bust operation sa Heroes Del, Brgy. 73.

 

Nakuha sa mga suspek ang aabot sa 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, digital weighing scale at isang P1,000 bill na nakabungkos sa 9 pcs P1,000 fake/boodle bills na ginamit bilang buy-bust money.

 

Ayon kay P/Capt. Cabildo, si Dugay ay nasa watch listed na kabilang sa dating Priority Drug Personalities ng Caloocan Police kung saan dati na itong naaresto sa illegal na droga noong April 4, 2020 subalit, nakalaya kamakailan matapos makapagpiyansa. (Rihard Mesa)

Other News
  • MAHIGIT 40K PULIS, IPAPAKALAT SA MAY 2022 POLLS

    AABOT  sa mahigit 40,000 na mga pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) para magbigay seguridad sa May 2022 national and local elections. Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, handang-handa na sila sa halalan at kasalukuyang nasa phase na sila ng “monitoring” sa ground. Binigyang-diin ni PNP chief, kasado na rin ang […]

  • DepEd, kailangan ng mas maraming pondo para sa agarang pagkukumpuni ng mga napinsalang eskuwelahan

    HUMIRIT si Education Secretary Sonny Angara ng karagdagang pondo para sa quick response fund (QRF) ng Department of Education (DepEd) para sa agarang pagkukumpuni at rehabilitasyon ng mga napinsalang school buildings. Sa isang kalatas, tinukoy ni Angara ang report ng Second Congressional Commission on Education (Edcom 2), isang ahensiya na may atas na i-assess at […]

  • Ads February 10, 2021