TOURIST VISA EXTENTION APPLICATION, BUMAGSAK NG 45 PORSIYENTO
- Published on February 2, 2021
- by @peoplesbalita
BUMAGSAK ng halos 45 porsiyento ang bilang ng mga naga-apply para sa tourist visa extension noong taon 2020.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa datos ng Tourist Visa Section (TVS) umabot lamang sa 240,276 ang bilang ng mga aplikante para sa applications for extension of stay ng mga turista na nangangahulugan na 44.67 porsiyento na mas mababa sa 434,251 na kahalintulad na mga aplikasyon na kanilang natanggap noong 2019.
Ayon kay Morente na inaasahan ang pagbagsak ng bilang dahil sa travel bans na ipinapairal dahil sa Covid 19 pandemic.
“International travel restrictions remain in place even as we anticipate a gradual lifting of these restrictions this year as the vaccines against COVID-19 begin to arrive,” the BI chief said. “We hope that the tourism industry will finally rebound at least by the second or third quarter of 2021 and the Philippines will once again open its doors to foreign visitors,” ayon kay Morente.
Paliwanag pa ni Morente na dahil sa travel restriction ay bumagsak din ang visa extension fees kaya umabot lamang ng P1.3 bilyon ang nakolekta noong nakaraang taon kumpara sa P2.2 bilyon noong 2019.
Sinabi pa ni Morente na ang mga nakokolekta mula sa visa extension fees ay isa sa pinagkukunan ng pondo ng kawanian
“Despite the low numbers for 2020, we remain hopeful that the tourism industry can bounce back this year,” ayon pa kay Morente. (GENE ADSUARA)
-
Pinoy tennis star Alex Eala umangat ang puwesto sa tennis world ranking
Umagat ang world ranking ni Filipino tennis star Alex Eala. Ayon sa tennis World Juniors ranking nasa pangalawang puwesto na ito. Nakakamit kasi ito ng 467.5 points matapos na magwagi ng dalawang titulo sa Trofeo Bonfiglio, J Tournament sa Milan, Italy. Nahigitan ng 16-anyos na si Eala si Elsa […]
-
Samples ng 8 pasaherong kasama ng lalaking positibo sa UK COVID-19 variant, ipinadala sa genome center
Ipinadala na ng Philippine Red Cross (PRC) sa Phippine Genome Center ang mga samples mula sa walong pasaherong nakasama ng nagpositibo sa UK variant ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Una rito kinumpirma ng PRC na positibo sa Coronavirus ang walong pasaherong kasabay ng Pinoy na dumating a bansa. Ayon sa Red Cross, ipapadala sa Philippine […]
-
BSP, ipinalabas ang monitoring guidelines sa posibleng digital vote-buying
IPINALABAS ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang guidelines para sa pagmo-minitor ng supervised financial institutions ng posibleng nagawang vote-buying activities sa pamamagitan ng online banking at mobile wallet applications. Ibinahagi ng Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia ang kopya ng BSP Memorandum No. M-2023-30, ipinalabas noong Oktubre 10 at nilagdaan ni […]