• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaan, papasok na sa huli at ika-apat na yugto ng National Action Plan

PAPASOK na ang pamahalaan sa ika- apat na phase ng National Action Plan kaugnay ng mga ginagawa nitong aksiyon laban sa COVID 19.

 

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, hanggang sa 1st quarter na lang ng 2021 ang phase 3 at pagkatapos nitoy papasok na ang phase 4 o ang huling phase na ang pokus ay vaccination roll out na.

 

Aniya, ang Phase 4 sabi ni Nograles ang pinakamalaking bahagi ng apat na phase na inihanda ng gobyerno na makapagpapabangon sa bansa.

 

Matatandaang, Marso hanggang Hunyo 2020 nang ikinasa ang phase 1 kung saan dito ay nagsimulang magpatupad ng community quarantine at kasunod nitoy ang detect-isolate-treat-reintegrate strategy na nasa ilalim naman ng phase 2.

 

Layunin ng pamahalaan na siguruhin na maayos ang kalusugan ng bawat isa habang unti- unting binubuhay ang ekonomiya ang target ng Phase 3 na makukumpleto na sa buwan ng Marso. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Nag-sorry sa naapektuhan ng cryptic post: SHARON, inaming naghiwalay sila ni KIKO pero nagkaayos din

    INAMIN ni Megastar Sharon Cuneta na saglit silang naghiwalay ng asawa na si dating Senador Kiko Pangilinan.     Sa Instagram Live ni Sharon kasama si Kiko at tatlo nilang anak na sina Frankie, Miel at Miguel binati nila ang mga netizen ng Happy New Year.     Sa kanyang caption, “From my family to […]

  • BAGO SANA ang NEGOSYO, AYUSIN MUNA ANG SISTEMA!

    Sa kabila ng maraming tanong mula sa mga motorista ay tuloy na ang operasyon ng ilang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) providers.  At gaya ng inaasahan, kapag hindi pa maayos ang sistema ay perwisyo ang dulot nito sa motorista na nagpaparehistro ng kanilang mga sasakyan.  Ayon sa ilang motorista na dumulog sa Lawyers for Commuters Safety and […]

  • Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital, bukas na

    LUNGSOD NG MALOLOS – Mas mabilis nang makakakuha ng serbisyong medikal ang mga Pandieño makaraang opisyal ng buksan ang Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital noong Lunes sa Brgy. Bunsuran 1st, Pandi.     Samantala, sinabi rin ni Solante na base sa nakalap na datos sa “immunogenicity” ng ikalawang hene­rasyon ng COVID-19 vaccines na target […]