• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sabete bumalik sa PSL, Sta. Lucia Lady Realtors

BALIK sa Sta. Lucia makalipas ang tatlong taon si Jonah Sabete, habang kinuha rin ng koponan ang serbisyo ng mga beteranang sina Maricar ‘Kai’ Nepomuceno-Baloaloa at Jovy Prado, base sa pahayag ng prangkisang Robles nitong Linggo.

 

 

Pinakilala sa isang video clip ng Lady Realtors ang tatlong bagong kuhang ace players para ayudahan ang puwersa nina Mika Aireen Reyes, Shiela Marie ‘Bang’ Pineda, at Rongomaipapa Amy Ahomiro.

 

 

Nagsilbing kamalitan nina Sabete, Baloaloa at Prado ang mga pinakawalan ng Sta. Lucia na sina RoyseTubino, Regine Arocha at Aie Gannaban.

 

 

Huling humambalos sina Sabete, Baloaloa at Prado sa Petro Gazz ng Premier Volleyball League (PVL) na hinatid nila sa trono ng 2019 Open Conference bago natengga ang liga noong Marso 2020 dahil sa Coronavrirus Disease 2019.

 

 

Nagsuot na rin ng Sta. Lucia jersey si Sabete noong 2017 sa Philippine SuperLiga (PSL) bago nag-Angels sa PVL noong 2019.

 

 

Pinaghahandaan  ng Realtors ang PSL Beach Volleyball Challenge Cup sa Subic, Zambales sa parating na Pebrero 25-27. (REC)

Other News
  • Navotas isinailalim sa State of Calamity dahil kay super typhoon ‘Carina’

    ISINAILALIM ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang lungsod sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha dulot ng habagat at bagyong Carina.     Ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ang Resolusyong Panglungsod Blg. 2024-67, na binabanggit na sa ilalim ng state of calamity, magagamit ng pamahalaang lungsod ang kanilang calamity fund at mapabilis ang relief at […]

  • Naniniwala sa kakayanan ng asawa kaya pinagtatanggol: JESSY, umaapela sa publiko na bigyan ng chance si LUIS

    GANUN na lang ang pagtatanggol ni Jessy Mendiola sa asawang si Luis Manzano.   Ito ay hinggil sa pagtakbo ni Luis bilang bise gobernador ng Batangas.   Naniniwala ang Kapamilya aktres na ang kanyang mister ang may karapatan sa lahat ng mga artistang tumakbo noon, at tumatakbo ngayon para sa 2025 midterm elections.   Kaya […]

  • Pfizer-BioNTech sinimulan na ang trial ng kanilang bakuna laban sa Omicron coronavirus variant

    SINIMULAN na ng Pfizer-BioNTech ang clinical trial ng kanilang bagong COVID-19 vaccine na target ang Omicron variant.     Plano ng kumpanya na subukan ito bilang booster shots sa mga bakunado na.     Habang tatlong beses naman na ituturok sa mga hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.     Inaasahan na mahigit 1,400 na […]