• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdating sa bansa ng bakuna laban sa Covid-19 ngayong buwan, V-day gift para sa mga Filipino- Sec. Roque

ITINUTURING ng Malakanyang na Valentine’s gift sa mga mamamayang Filipino ang inaasahang pagdating ng bakuna laban sa Covid -19 sa bansa at pagsisimula na maiturok ito sa mga itinuturing na frontliners.

 

Kasama sa numero unong prayoridad ang mga nagtratrabaho sa mga pampubliko at pribadong health facilities, ospital, contact tracers ng mga local government units (LGUs), barangay health workers atbp sa mga lugar kung saan maraming kaso ng COVID-19 tulad ng Metro Manila, Metro Cebu at Davao.

 

Ikalawa naman ay ang mga “indigent” o mahihirap na populasyon na edad 60-anyos pataas (senior citizens). Matapos sila bigyan, third priority ang nalalabing seniors.

 

“Yes po, iyan ang Valentine’s gift natin sa ating mga sarili. Walang timeline po diyan, sabi nga po nila mga second week of February may darating na. Hindi po natin alam kung ano specifically pero iyan naman po will be air lifted or sent by commercial airline. So kapag iyan po ay lumipad na, magbibigay tayo ng anunsiyo sa ating mga kababayan at lahat naman po ay excited na dumating iyong very first dosage ng ating bakuna; so malalaman at malalaman po natin iyan. Ang sigurado, ito na pong buwan ng Pebrero and Happy Valentines to all,” anito.

 

Wala namang ideya si Sec. Roque kung ang Pfizer o ang AstraZeneca ang darating sa bansa sa kalagitnaan ng Pebrero na sinasabing tatapat pa ata sa Araw ng mga Puso.

 

“Ang Pfizer lang naman po ang mahirap i-handle diyan because sub-zero. Ililipad po iyan sa isang refrigerated van din na may sub-zero capacity tapos ilalagay po iyan sa central warehouse, at from the central warehouse, dadalhin na po iyan doon sa mga city health offices at saka mga provincial health offices. Inaasahan po natin na ang Pfizer ay magagamit lang sa Metro Manila, Davao and Cebu dahil sila lang iyong may sub-zero storage. Pero AstraZeneca po, mas malawak ang kaniyang pupuwedeng ma-distribute-an na kasi marami naman po tayong facilities, refrigerated lang iyan. Pero kagaya ng aking sinabi po, pupunta muna sa warehouse and it will take about three to five days bago po natin mabakuna. Pagdating ng bakuna, three to five days bago mabakuna sa mga frontliners.

 

Inamin nito na hindi niya alam ang specific date ng pagdating ng bakuna dahil ang COVAX Facility aniya na operated ng World Helath Organization (WHO) ang magsasakay sa eroplano ng bakuna.

 

Kaya, makabubuti aniyang hintayin na lamang ang detalye sa bagay na ito.

 

“Lilinawin ko po iyong COVAX, hindi talaga tayo Pilipinas ang bumili, iyan po ay ibibigay ng facility na kasapi tayo ng COVAX. So sila po ang nagbibigay sa ating kung kailan talaga darating iyan. Kung tayo po ang nag-order masasagot po natin talaga with a degree of being definite kung kailan darating, pero ito po dahil sa COVAX we will just give you a timeline na siguro po in the middle of February,” anito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Mga proyektong may kinalaman sa crime monitoring activities, irerekomenda ng DILG

    IREREKOMENDA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa incoming officials ng departamento ang mga proyektong may kaugnayan sa crime monitoring activities.     “Nasa sa kanila na po ‘yun kung gusto nilang ipagpatuloy pero highly recommended po ‘yun, kung nasimulan lang sana ng maaga nung 2019 dapat patapos na ‘yan today,’’ayon kay […]

  • Iba’t-ibang emosyon ang mararamdaman sa movie: JULIE ANNE, bigay na bigay sa kissing scene nila ni RAYVER

    SABI nila kapag niloko ka minsan, ‘kawawa ka.’ Niloko ka na naman, ‘shame on you.’   Sa mundo kung saan ang pag-ibig ay isang sugal, hanggang saan ka payag na maglaro ng cheating game?   Ngayong Hulyo 26, ipinagmamalaki ng GMA Public Affairs ang kauna-unahang handog na pelikula nito, ang “The Cheating Game,” na nagtatampok […]

  • PBA finals apektado ng sunog sa Big Dome

    IMBES na sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum ay sa ibang venue lalaruin ang Game Six ng PBA Governors’ Cup Finals sa pagitan ng nagdedepensang Barangay Ginebra at Meralco.     Ito ay matapos pasukin ang venue ng makapal at mabahong usok mula sa sunog sa isang construction site na katabi ng Big Dome kahapon ng […]