VICE GANDA, na-excite pa sa kissing scene ni ION sa sexy-comedy film
- Published on February 3, 2021
- by @peoplesbalita
ALAM na alam daw ni Vice Ganda ang magiging kissing scene sa pagitan ng boyfriend na si Ion Perez at sa pinu-push ng VIVA na bagong artist na si Sunshine Grimary.
Nabasa raw niya ang script at hindi na raw kailangan pang magpaalam si Ion sa kanya.
“Siyempre alam ko yun dahil ako ang manager ni Ion at ako ang pumirma sa kontrata, ‘di ba? Nae-excite ako at sobra kong proud na ay ang taray, may nakuhang ganung role si Ion, na siya ang pinili. Ang taray mo, you’re the chosen one.”
Kilala rin naman daw niya si Sunshine dahil nai-guest na niya ito sa GGV.
“Ako, go lang ako, nasa showbiz tayo. Trabaho yun. Kikita siya do’n, ‘di ba? Bibili niya ko ng bagong rubber shoes,” biro pa niya.
Hindi lang sigurado si Vice kung mapapanood niya ang movie o ang love scene mismo nina Ion at Sunshine. Kasi raw, si Ion mismo, ayaw na pinapanood ang sarili nito.
“Kahit sa pelikula ko na nandoon siya, hindi siya sumasama sa sinehan, nahihiya siya. Kahit yung ‘Mang Kepweng’ na bumili pa ko ng tickets para panoorin namin noong Pasko, ayaw niyang panoorin.
“So, hindi ko alam kung panonoorin namin dahil nahihiya talaga siya.”
Sa totoo lang, siya raw ang nagsabi kay Ion na sexy-comedy ang tema ng movie. Nagulat pa raw ito ng malamang may laplapan kaya hirit niya sa jowa, “Paanong magiging sexy-comedy kung walang laplapan? Tapos sabi niya, paano yun? Sabi ko, aba, hindi ko alam, hindi naman ako nakipaglaplapan sa babae ‘no!
“Ako, go lang ako, deds ako sa ganun. Super support ako. Siyempre, success niya sa yun and Ion is a different person. Iba si Ion, iba si Vice. Hindi rin pag-aari ni Vice si Ion. Pwede siyang lumipad, lipad ka lang diyan, papalakpakan kita.”
***
NADISMAYA yata ang mga “fan” nina Juliana Gomez at Andres Muhlach.
O posibleng mga tagahanga ng mga tatay nila na sina Richard Gomez at Aga Muhlach na nagwi-wish at umaasam.
May mga comment kasi kaming nabasa na akala raw nila, sina Juliana at Andres na. Bigla kasing lumitaw sa social media na ang National player ng Fencing mula sa Ateneo de Manila na si Miggy Bonnevie-Bautista ay boyfriend na nga ba ni Juliana?
Kung pagbabasehan naman kasi ang pinost ni Miggy sa kanyang Instagram account at kung gaano ka close o cozy ng dalawa, aba e, madali naman talagang masabi na sila nga.
Naalala namin si Richard sa diumano’y boyfriend ng kanyang unica hija na si Juliana. Katulad ni Richard, into sports din ang non-showbiz guy.
So, ‘di-malayong sports ang isa sa common interest nila, bukod sa marami rin silang common friends. Cute si Miggy. At kamag-anak ng nanay nito ang actress na si Dina Bonnevie.
Positive naman ang reaction ng karamihang netizens, lalo na sa nakakaalam ng background ng guy. Bagay raw ang dalawa.
***
BLIND ITEM: Nanghihinayang kami na mauuwi rin sa hiwalayan ang showbiz couple na ito lalo pa nga’t may anak na sila.
Pero sa isang banda, parang hindi na rin naman kami nagulat kung totoo ngang hiwalay na sila.
Posibleng ang biglaang pagpapakasal din nila ang isa sa mga dahilan at ngayon nila mas napu-prove na dapat, hindi muna itinuloy o nagmadaling magpakasal.
Nakikita pa namin na nagpa-follow pa rin sila sa isa’t-isa sa kanilang mga social media accounts. At nagla-like rin sila sa post from time to time. Pero kapansin-pansin na wala na silang mga pictures together at tila hindi na rin magkasama sa ilang importanteng okasyon. (ROSE GARCIA)
-
Paggamit ng booster shots ‘di pa inirerekomenda sa ngayon – DOH
Nanindigan ang DOH na hindi pa inirerekomenda sa ngayon ang paggamit ng booster shots ng COVID-19 vaccine dahil wala pang sapat na ebidensiya ng pangangailangan ng karagdagang dose ng covid vaccine. Binigyang diin ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi pa aniya mairerekomenda ang paggamit ng booster shots hanggang wala pang pinanghahawakan […]
-
Napag-usapan sa YT vlog ni Camille: ANTOINETTE, magiging proud at ‘di itatago kung totoong may anak
SA latest Youtube vlog ni Camille Prats kung saan guest si Antoinette Taus ay napag-usapan ang masasabing “urban legend” tungkol sa dating aktres, sa pagkakaroon umano nito noon ng lihim na anak. Kahit ilang taon nang hindi active sa show business, aminado si Antoinette na nakatatanggap pa rin siya ng mga tanong tungkol […]
-
P6.37M in TUPAD wages benefit over 1,000 workers in Ormoc City
Ormoc City – A total of P6.37 million in wages have been recently paid to some 1,419 informal sector workers in Ormoc City as the Department of Labor and Employment continues to intensify implementation of its Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program. The wage payout was led by Labor Secretary Silvestre […]