Lim, Petecio nagkodakan sa ‘Calambubble’ training
- Published on February 3, 2021
- by @peoplesbalita
HALOS mangalabaw ang mga kampeon sa kani-kanilang combat sports na sina Jamie Christine Lim at Nesthy Petecio sa pagti-training sa Inspire Sports Academy bubble (Calambubble) sa Calamba City, Laguna sapul pa nitong Enero 15.
Nagkita rin ang landas ng parehong 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 gold medalists at mga naghahabol na makalahok sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa parating na Hulyo-Agosto 8 sanhi ng COVID-19.
“After kong mag-massage, si idol naman sunod. @jamiechristinelim thanks sa picture idol, pinagbigyan mo ako,” pahayag nitong isang araw ng 11th International Boxing Association (AIBA) Women’s World Boxing Championships 2019 Ulan-Ude, Russia gold medal winner na si Petecio, 28, sa kanyang Instagram account.
Sasabak ang 28 taong-gulang, may taas na 5-2 at isinilang sa Santa Cruz, Davao del Sur na boksingera sa huling Olympic Qualififying Tournament psa Paris, France sa Mayo.
Toka naman ang 23-anyos na karateka na si Lim sa nabanggit ding lugar sa papasok ding Hunyo. Siya ay anak ni Philippine Basketball Association (PBA) legend Avelino ‘Samboy’ Lim, Jr. na kilala ring ‘Skywalker’. (REC )
-
Kamara inaprubahan panukalang regulasyon ng motorcycles-for-hire
SA botong 200 pabor at isang tutol, inaprubahan ng Kamara ang panukala na iregulate ang motorcycles-for-hire sa bansa. Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, naiintindihan ng Kamara ang pangangailangan na maging ligtas ang pagbiyahe ng mga pasahero at produkto. Kabilang sa may-akda ng panukala sina Reps. Rachael Marguerite Del […]
-
Comelec, sinimulan na ang pag-imprenta ng mga balota para sa 4 na gagawing plebisito
SINIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng official ballots para sa plebisito sa Maguindanao. Inanunsiyo ng poll body na ang printing ng official ballots para sa September 17 plebiscite ay sinimulan na kahapon sa National Printing Office sa Quezon City. Noong Hunyo nang nagtakda ang poll body ng […]
-
Isiniwalat ang ‘modus’ para maging babala: ARCI, nanakawan ng credit card sa loob ng eroplano
SA pamamagitan ng kanyang TikTok account, ikinuwento ni Arci Muñoz ang kanyang nakatatakot na karanasan sa loob ng eroplanong sinakyan pabalik ng Pilipinas. Nilagyan niya ito ng title na, ‘Horror Story in the Sky.’ “Hi, let me tell you a story about the experience I had going back home from Japan,” […]