• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Skyway Stage 3, toll free pa – TRB

Libre pa ring magagamit ng mga motorista ang  Skyway Stage 3 hanggang hindi pa naisasapinal ng Toll Regulatory Board (TRB) ang panukalang toll rates dito.

 

 

Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpus, hangga’t hindi pa nagbibigay ng pormal na pag-apruba ang TRB sa ipinapanukalang toll rates sa Skyway Stage 3 ay hindi pa rin maaaring singilin ng toll fee ang mga motoristang dumaraan doon.

 

 

Ipinaliwanag ni Corpus na sa ngayon ay sinusuri pa nilang mabuti ang lahat ng konsiderasyon, gaya ng kung magkano pa ang toll fee na dapat kolektahin, upang maging katanggap-tanggap  ito para sa mga motorista.

 

 

“Hangga’t hindi pa nag-iisyu ng formal approval ang pamunuan natin dito ay hindi pa sila pwedeng maningil,” ani Corpus. “Sinusuri po natin mabuti ang lahat ng mga kunsiderasyon upang pag nagbigay ng ating approval ang ating pamunuan kung magkano ang toll fee ang kokolektahin, eto sana ay maging katanggap-tanggap at rasonable sa ating motorista,” aniya pa.

 

 

Matatandaang nitong Enero ay binuksan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang Skyway Stage 3 sa mga motorista at isang buwan itong ipinagamit ng libre.

 

 

Anang SMC, sisimulan nila ang pa­ngongolekta sana ng toll fee na mula P110 hanggang P274 sa Skyway Stage 3 simula kahapon, Pebrero 1.

 

 

Samantala, base naman sa obserbasyon ni Corpus ay malaki ang naitulong ng bagong bukas na Skyway sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa EDSA.

 

 

Aniya, mahigit kalahati kasi ng may 80,000 motorista na dating dumaraan sa EDSA ay dumaraan na ngayon sa Skyway Stage 3. (Daris Jose)

Other News
  • Binata tinodas sa loob ng bilyaran

    Dedbol ang isang binata matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek sa loob ng bilyaran sa Malabon city, Huwebes ng gabi.   Dead on arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Ace Bade alyas “Love”, 37 ng 175 Samaton C. Perez St. Brgy. […]

  • Magho-host ang Pilipinas sa prelimnary leg ng Volleyball Nations League Tournament sa 2023

    Muling magho-host ang Pilipinas ng isa sa mga preliminary event ng Volleyball Nations League men’s tournament sa susunod na taon.   Inihayag ng liga noong Biyernes na ang Pasay City ang magiging venue para sa ilan sa mga laro sa Hulyo 4-9. Ang mga magkakalaban na koponan sa Philippine leg ng torneo ay ang Japan, […]

  • Early Valentine’s Day treat nila ang TVC ng TNT: DANIEL at KATHRYN, kaabang-abang ang mga pasabog ngayong 2023

    EARLY Valentine’s Day treat para sa KathNiel fans ang pagpapakilala ng value mobile brand TNT kay Daniel ‘DJ’ Padilla bilang bagong endorser nito, kasama ang ‘real and reel life’ partner na si Kathryn Bernardo.     Binansagang ‘Supreme Idol’ ng kanyang henerasyon dahil sa karisma niya at talento, si DJ ay kasama ni Kathryn sa […]