31st SEA Games: Chef De Mission Ramon Fernandez, kinalampag ang IATF para maisabak na sa bubble training mga atleta
- Published on February 4, 2021
- by @peoplesbalita
Determinado na si Chef De Mission Ramon Fernandez na masimulan ang pagsasanay ng mga national athlete kahit sa Nobyembre pa ang 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.
Dadaan pa kasi sa ilang hakbang para magawa ito, una ay ang paghingi ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC) ng “go signal” sa Inter-Agency Task Force (IATF).
Tiniyak naman ng PSC at POC na ipapasok ang mga national athlete na sasabak sa 2021 Vietnam SEA Games sa isang “bubble” training.
Nauna nang pinayagan ng IATF ang PSC na ipasok ang mga national team ng boxing, taekwondo at karatedo, sa bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Ito’y bilang paghahanda sa paglahok sa mga qualifying tournaments para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo.
Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Chef De Mission Ramon Fernandez, mahalaga aniya na lagi silang handa para sa mga training ng national athletes.
”Let’s help and support in any way we can ang ating atletang Pilipino” ang bahagi ng pahayag ni PSC Commissioner at 31st SEA Games Chef De Mission Ramon Fernandez sa interview ng Star FM Bacolod.
Nabatid na bibigyan lamang ng IATF ng “green light” ang pagbabalik-ensayo ng mga atleta sa loob ng isang bubble environment kasama ang mahigpit na pagpapatupad sa health at safety protocols.
Kung maaalala, inangkin ng Team Philippines ang overall championship ng 2019 SEA Games na pinamahalaan din mismo ng bansa.
-
“MALIGNANT” EXPLORES HORROR ROOTS IN TWO NEW FEATURETTES
WARNER Bros. Philippines has just released two featurettes of its new horror-thriller “Malignant” that highlight the film’s horror roots. Check-out the videos below and watch “Malignant” only in Philippine cinemas starting November 24. Horror Roots Featurette: https://youtu.be/QYvjzuXzez8 It’s All in Our Head Featurette: https://youtu.be/aCrTlOgWf28 About “Malignant” “Malignant” is […]
-
Ads February 2, 2023
-
Pamahalaang Lungsod ng Malabon bilang Best Local Government Unit Implementing the Department of Labor and Employment Integrated Livelihood Program
KINILALA ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon bilang Best Local Government Unit Implementing the Department of Labor and Employment Integrated Livelihood Program sa ginanap na 2024 Regional Kabuhayan Awards sa Orchid Garden Suites, Malate, Manila kahapon. Ito ay inorganisa ng DOLE-NCR, sa pangunguna ni Regional Director Atty. Sarah Buena Mirasol. Nagpasalamat naman […]