• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OPISYALES SA ‘pastillas modus’, sibak kay digong

SINIBAK ni Pangulong Duterte ang lahat ng opisyal at empleyado na sangkot sa pinakabagong iskandalo sa Bureau of Immigration (BI) kung saan pinapayagang makapasok ang mga Chinese national kapalit ng “pastillas” bribery scheme ilang libong piso.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na itinuturing ni Duterte na napakagrabe at matinding uri ng katiwalian ang bagong anomalya sa BI na “pastillas” bribery scheme at hindi kailanman palalampasin ng administrasyon.

 

Ayon kay Panelo, gaya ng paulit-ulit nilang sinasabi, walang “sacred cows” sa administrasyon at sinumang opisyal na magkakasala sa kanilang pagpapatupad ng tungkulin ay mapaparusahan.

 

Sa susunod na Cabinet meeting, tatalakayin umano ang isyu ng bribery sa Immigration.

 

“President Rodrigo Roa Duterte has relieved all officials and employees of the Bureau of Immigration who are involved in the latest bribery scheme where they purportedly facilitate the entry into — and exit from — Philippine territory of foreigners working for Philippine offshore gaming operators (POGOs) for an unauthorized fee,” ani Panelo.

 

Wala namang ideya ang kalihim kung ilang opisyal at empleyado ng BI ang kasama sa nasabing hakbang ng Punong Ehekutibo subalit ang alam niya ay nakitaan ng probable cause o prima facie kaya’t nagawa ito ng Pangulo.
Ang kasalukuyang situwasyon ngayon sa BI, at kung paano ito pinatatakbo ni Commissioner Jaime Morente, ay tatalakayin sa susunod na cabinet meeting.

 

Nananatili namang may tiwala si Duterte kay BI Commissioner Jaime Morente sa kabila ng may isyu ng pastillas scheme.

 

Matataandaan na pinag-utos na ng BI Commissioner na imbestigahan ang pastillas modus kung saan pinagbabayad ang mga Chinese ng P10,000 para mapadali ang immigration process paglapag sa Pilipinas.

 

“The President considers this anomaly, which some define as the ‘pastillas scheme’ as a grave form of corruption which cannot be countenanced by the government,” ayon kay Panelo.

 

Maging ang mga terminal head ng Ninoy Aquino International Airport at ang hepe ng travel control and enforcement unit ay inalis sa pwesto kasunod ng imbestigasyon.

 

“Any official or employee who commits any wrong in the performance of their respective duties shall be meted out with the punishment that they deserve and in accordance with our penal laws,” saad pa.

 

Samantala, lumantad na sa Senado kahapon (Huwebes) ang whistleblower kung saan binunyag nito ang sindikato sa Immigration na nasa likod ng multi-billion “pastillas” money-making scheme.

 

Inihayag ni Allison Aguas Chong, immigration officer sa BI Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na simula nang tanggalin ng Department of Justice (DOJ) ang overtime pay ng immigration officer, doon na nagsimulang gumawa ng iligal ang ilang kawani ng BI.

 

At para mapunan ang bawas sa kanilang suweldo, ilang immigration officer ang nag-alok ng mga “VIP service” para sa mga immigrant partikular ang mga casino high-roller.

 

Ang VIP service ay kinasasangkutan ng mga immigration officer na tumatanggap ng P2,000 kada high-roller kapalit ng mabilisang pagpapalusot sa kanila.

 

Nang makitang may pera sa operasyon, nagdesisyon ang mga hepe ng Travel Control Enforcement Unit (TCEU) na sina Bien Guevrra, Glen Comia at Den Binsil, na dating tauhan ni Ports Operation Division chief Red Marinas, na i-takeover ang operasyon.

 

“These Chinese nationals were no longer required to under screening; they will simply let inside the Philippines without question or investigation,” sambit pa nito.

 

Sabi pa ni Chong, binura ang unang Viber Group Chat nang mag-imbestiga ang National Bureau of Investigation kaugnay ng iligal na aktibidad ng mga immigration officer.

 

Para maiwasang mabuking, nag-iba ng galaw ang operasyon ng grupo kung saan bawat Chinese ay sinasamahan na lang ng mga ito sa holding area ng TCEU.

 

Isang miyembro ng TCEU ang titingin kung ang pangalan ng isang Chinese ay nasa master’s list.
Kung nandoon, agad itong papayagang makapasok sa Pilipinas na hindi na dadaan sa screening o profiling.

 

Pinangalanan pa ni Chong ang nasa likod ng sindikato sa BI, kabilang dito sina Totoy Magbuhos, Deon Albao (alias “Nancy”), Paul Borja (alias “Lisa”), Anthony Lopez (alias “AL”) at Dennis Robles (alias “DR”).

 

Sabi pa ni Chong, kahit na wala na sa BI sina Guevarra, Comia at Binsol, napapatakbo pa umano nila ang kanilang operasyon sa Terminal 3.

 

Bawat immigration officer, ani Chong, ay tumatanggap ng P20,000 kada linggo para sa naka-assign sa Terminal 1 at P8,000 kada linggo naman para sa mga nakatalaga sa Terminal 3.

 

Ayon pa kay Chong, nagdesisyon siyang lumantad at tumestigo nang mapanood sa TV ang imbestigasyon ng Senado sa pangunguna ni Sen. Risa Hontiveros sa isyu ng tumataas na bilang ng prostitusyon sa POGO.

 

“I was compelled to come forward and share what I know based on my personal knowledge as a frontline immigration officer,” sambit pa nito. (Daris Jose/Ara Romero)

Other News
  • MARIAN, nagpakita ng pagsuporta kay KISSES na palaban sa ‘Miss Universe Philippines’

    NAGPAKITA ng pagsuporta si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa co-artist sa Triple A (All Access to Artists) management na si Kisses Delavin.     Isa nga si Kisses na panlaban ng Masbate sa nakapasok sa Top 100 candidates ng Miss Universe Philippines 2021 na magti-trim sa 75 at malaki ang tulong ng online fans […]

  • Slasher horror icon Mike Myers is back in New ‘Halloween Kills’ Photo

    SLASHER horror icon Mike Myers is back in this new photo released by Total Film for the upcoming film, Halloween Kills.   The movie franchise known for a masked murderer’s killing spree during Halloween, is set to return after its reboot film Halloween was released in 2018.   Halloween franchise alums Jamie Lee Curtis and Kyle Richards are back, along with Anthony Michael Hall, Judy […]

  • DOTr nagbabala sa mga opisyales ng rail lines sa nagbabantang “beep” cardshortage

    NAGBIGAY  ng babala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga opisyales ng rail lines na magkaroon ng alternatibong paraan dahil sa nagbabantang kakulangan ng mga  beep  cards sa Metro  Rail  Transit Line 3   (MRT3), Light Rail  Transit Line 1(LRT1) at Light Rail Transit Line 2 (LRT 1).     Ito ay matapos hindi nakapag-deliver ang […]