• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pa-bingo ng Pagcor, paldo ang papremyo

GRABE!

 

Sangkatutak ang papremyo ang nakaabang sa ‘P1K for P1M’ PAGCOR-wide linked bingo game sa darating na Pebrero 22 sa Casino Filipino Manila Bay sa Rizal Park Hotel sa Ermita, Maynila.

 

Kasunod ito nang matagumpay na first phase nitong Enero 25, ito naman ang ikalawang pagkakataon para sa mga bingo player na gustong tumaya. Sa halagang P1,000 lang na ticket entry, makakapaglaro na ng 10 beses.

 

Sa buong 1-9 games maaaring mag-uwi ng P100,000 habang sa grand prize sa final round ay tumataginting na P1M.
Sa mga interesadong makilahok maaaring magsadya lang sa CF Manila Bay o sa kahit anong Casino Filipino branch na mga sumusunod: Angeles City, Bacolod City, Carmona-Cavite, Cebu City, Davao City, Ilocos Norte, Iloilo City, Mactan City, Malabon City, Olongapo City, Parkmall-Cebu, Ronquillo-Manila, Tagaytay City at Talisay City.

 

May kasunod pa ito sa Marso 28, Abril 18, Mayo 23, Hunyo 13, Hulyo 18, Agosto 22, Septyembre 26, Oktubre 17, Nobyembre 14 at Disyembre 19.

 

Bisitahin lang ang www.pagcor.ph at www.casinofilipino.ph kung may iba pang mga katanungan, puwede ring tumawag sa PAGCOR Department sa mga numerong 7755-3699 pocals 7201 to 7204. (REC)

Other News
  • JOMARI, suportado ang pag-aartista ni ANDRE pati na ang hilig sa car racing; gusto nila ni ABBY na magka-baby

    SUPORTADO ni Konsehal Jomari Yllana ang anak nila ni Aiko Melendez na si Andre Yllana na ngayon ay isa ng contract star ng Viva Artists Agency at kasalukuyang napapanood sa rom-com series ng TV5 na Di Na Muli sa bida sina Julia Barretto, Marco Gallo at Marco Gumabao.     Kuwento nang muling tumatakbo bilang […]

  • BAGONG CAMANAVA TRAINING CENTER PINASINAYAAN SA NAVOTAS

    Mas maraming Navoteños ang mabibigyan ng access sa libreng technical and vocational education kasunod ng inagurasyon ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute bilang bagong Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) satellite office at training center sa Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela (CaMaNaVa) area.     Pinangunahan ni TESDA Director General, Sec. Isidro […]

  • 2 drug suspects tiklo sa P64K droga sa Caloocan at Malabon

    SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang dalawang drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P60K halaga ng droga makaraang matimbog sa Caloocan at Malabon Cities.       Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 9 sa kahabaan ng Arseña St. […]