• April 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7 sasakyan karambola sa NLEX

Nagkabanggaan ang pitong sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) nitong Linggo ng hapon. Nangyari ang banggaan sa Southbound lane patungong Metro Manila sa Mexico, Pampangan section ng NLEX.

 

Ayon kay NLEX traffic manager Robin Ignacio, nangyari umano ang karambola matapos na prumeno ang isang motorista dahilan para magkabangaan ang nakasunod dito.

 

Isang bus ang nadawit sa insidente, na naging dahilan ng kilometrong trapiko sa nasabing parte ng NLEX.

 

Makikitang yupi ang isang sasakyan na pumatong pa sa isang kotse dahil sa lakas ng impact.

 

Hindi pa batid kung ilan ang sugatan sa nasabing insidente. (Daris Jose)

Other News
  • Romualdez pinuri anti-smuggling ops ng Customs

    PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Bureau of Customs (BOC) sa pinaigting nitong kampanya laban sa smuggling na nagresulta sa pagkakasamsam ng P85.1 bilyong halaga ng kontrabando at ang matagumpay na pagsasagawa ng mahigit 2,100 anti-smuggling operations noong 2024. Habang kinikilala ang mga mahahalagang tagumpay ng BOC, muling iginiit ni Speaker Romualdez ang agarang […]

  • Mayor Jeannie, kinilala bilang “Most Influential Filipina Woman in the World”

    NAPILI si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval para tumanggal ng pristihiyosong “Most Influential Filipina Woman in the World” award mula sa Foundation for Filipina Women’s Network (FWN).     Si Sandoval ay pinarangalan sa Awards Gala Ceremony, ang highlight ng 20th Filipina Leadership Global Summit, na ginanap sa Sheraton Grand Sydney Hyde Park sa Sydney, […]

  • PISTON maglulunsad ng 3-day “tigil pasada”

    NAG-ANUNSYO ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na maglulunsad sila ng 3-day “tigil pasada” upang tutulan ang pagpapatupad ng PUV consolidation na may deadline sa Dec. 31.       Itinakda ng PISTON ang darating na strike simula sa November 20 kung saan nila pinahayag sa isang […]