• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nierba sasakmal, pangil ng NU Lady Bulldogs

HANDA na ang National University Lady Bulldogs sa pagtrangka nina Jennifer Nierva at Ivy Lacsina sa UAAP Season 82 Women’s Indoor Volleyball Tournament na nakatakda na sanang nagsimula nitong Sabado pero naatras sanhi nang panganib ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

 

Magiging lider na ang dalawang veteran volleybelle na nahasa na sa mga naging karanasan sa larangan ng ilang taon at nakasungkit na rin ng kampeonato nang nasa junior team pa lang sa liga.

 

May kislap ang rotation ng team ngayong taon, pero namemeligrong maudlot dahil sa pagliban ni setter Joyme Cagande sa ACL tear. Natengga na siya sa nakaraang edisyon sa high-grade ACL.

 

May butas man ang koponan, puwedeng pasakan nang nagbabalik na beteranang si Risa Sato bakanteng posisyon ni Roselyn Doria. Puntos din sa koponan ang Fil-Japanese middle blocker sa pagiging isang high-caliber player.

 

Bukod dito’y sariwa pa siya sa mga sinalihang volleyball club gaya ng BaliPure Purest Water Defenders at Creamline Cool Smashers sa nakaraang Nobyembre sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference.

 

“With the NU women’s volleyball team naman we’re very excited to play the second day of UAAP,” reaksyon ni NU assistant coach Regine Diego. “Na-experience na ng mga rookie namin last year iyong laro, so hopefully they play better now specially they have a 14th-man line-up.”

 

“Also we just want to enjoy this eh kasi hindi naman kami nag-eexpect a lot, kung saan kami abutin at kung saan iyong prinactice namin at naghanda – dun sana kami umabot,” wakas niya. (REC)

Other News
  • 2 wanted na ‘rapist’, nalambat sa Caloocan

    HIMAS-REHAS ang dalawang manyakis na lalaki na kapwa wanted sa kaso ng panggagahasa matapos masakote ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan City.       Sa ulat ng Caloocan City Police kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-9 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Intelligence […]

  • Dahil nagkaroon ng family emergency si Direk Dom: DINGDONG, muling nakapag-direk sa pinagbibidahang ‘Royal Blood’

    THE long wait is over dahil mamayang gabi, muling masasaksihan angpagbabalik ng loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco para sa action-packed series na “Maging Sino Ka Man.”     Muling matutunghayan ang husay ni Kapuso Primetime Princess at ang Pambansang Ginoo as they explore action adventures and romantic moments sa pagganap nila sa iconic roles ng […]

  • De la Hoya inalok ng $100-M si Mayweather para sila ay mag-rematch

    Handang patulan ni US retired boxing champion Floyd Mayweather Jr ang hamon ni Oscar De la Hoya na sila ay magharap muli.     Ito ay matapos na makapanayam ang Mexican boxing champion at sinabing handa itong magbigay ng $100 milyon para sa harapan muli.     Taong 2017 ng tuluyan ng magretiro si Mayweather […]