• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Social Services One-Stop Shop, binuksan sa Navotas

PARA mapadali ang pagkuha at pagbibigay ng social services o mga serbisyong tumutugon sa kapakanan ng publiko, pinasinayaan ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang social services one-stop shop sa Navotas City Hall compound.

 

Pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, kasama sina Congressman John Rey Tiangco at iba pang opisyal ng lungsod at barangay, ang pagbabasbas at ribbon-cutting ng NavoServe sa Navotas City Hall Annex.

 

“Ang mga taong dumudulog sa city hall at kumukuha ng social services ay mula sa mahihirap na sektor ng ating komunidad. Upang maibsan kahit kaunti ang kanilang mga pasanin, kailangan nating siguruhin na nakukuha nila ang tulong na kanilang kailangan sa komportable, madali at maginahawang paraan,” ani Mayor Tiangco.

 

Sa kabilang banda, pinaalalahanan ni Cong. Tiangco ang mga kawani ng pamahalaang lungsod na palagiang maglingkod nang may pagmamalasakit at pagkalinga.

 

“Karaniwan sa mga taong pumupunta dito upang humingi ng tulong ay hirap sa buhay. Sikapin natin na mapaglingkuran sila nang may respeto at pagkalinga,” aniya.

 

Sa NavoServe pinoproseso ang mga dokumentong kailangan sa pagkuha ng tulong mula sa pamahalaan, kasama dito ang sertipikasyon mula sa City Information and Communications Technology Office (ICTO), certificate of indigency, at social case study.

 

Makukuha din dito ang mga serbisyong tulad ng Navotas Hospitalization Program (NHP); medical assistance mula kay Mayor Tiangco; Commission on Higher Education (CHED) educational assistance and medical assistance mula kay Cong. Tiangco; pagproseso ng senior citizens and persons with disability (PWD) ID at booklet; at burial assistance.

 

Ang one-stop shop ay tumutugon din sa mga senior citizen na kumukuha ng kanilang P500 NavoRegalo at sa mga PWD na mag-aaral na kumukuha ng kanilang educational assistance. (Richard Mesa)

Other News
  • China umalma sa paglayag ng warship ng US sa WPS

    HINDI na naitaboy ng China ang barkong pandigma ng US na pumasok umano sa karagatang nasasakupan nila.     Ayon Southern Theatre Command ng People’s Liberation Army na iligal umanong naglayag ang USS Benfold sa Chinese territorial waters ng walang paalam.     Binalaan nila ang US na agad na itigil ang anumang hakbang na […]

  • Mag-lola todas sa sunog sa Caloocan, 9 pa sugatan

    NASAWI ang mag-lola habang siyam pa ang sugatan, kabilang ang apat na kaanak ng mga nasawi at limang bumbero, sa naganap na sunog sa Caloocan City, Lunes ng tanghali.     Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center ang 21-anyos na estudyanteng si Layla habang wala na ring buhay ang kanyang 84-anyos na lolang si Aling […]

  • KAYA SCODELARIO, THE NEW KICK-ASS PROTAGONIST IN “RESIDENT EVIL: WELCOME TO RACCOON CITY”

    BRITISH actress Kaya Scodelario (The Maze Runner franchise, Pirates of the Caribbean: Salazar’s Revenge, and alligator thriller Crawl) stars as Claire Redfield, the street-smart, sassy, kickass protagonist of Columbia Pictures’ action horror Resident Evil: Welcome to Raccoon City (in Philippine cinemas Dec. 15).       [Watch the film’s Nightmare Trailer at https://youtu.be/Qu9IgB0yG6k]       “I’d grown up with her, watching her […]