• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Tiangco: Navotas, nananatiling COVID-19 free

TINIYAK ni Mayor Toby Tiangco sa publiko na nananatiling ligtas ang Navotas mula sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), dating kilala bilang novel Coronavirus (nCov).

 

“Walang kumpirmadong kaso ng nCov sa ating lungsod. Ang Task Force nCov, na pinangungunahan ng ating City Health Office, ang namumuno sa pagtugon sa isyung ito. Mamuhay po tayo nang normal pero mag-ingat at protektahan ang sarili laban sa sakit na ito,” aniya.

 

Sinabi ni Tiangco na itinalaga ng pamahalaang lungsod ang 8281-1111 bilang hotline para sa anumang tanong o paglilinaw tungkol sa nasabing sakit. Sa mga walang landline, maaari silang magpadala ng mensahe sa Text JRT (Johnrey oR Toby).

 

Dagdag pa niya, may nakahandang mga triage area sa Navotas City Hospital at sa lahat ng 11 na mga health center kung saan ang mga residente na posibleng may sakit ay sasailalim sa pangunang pagsusuri.

 

“Iwasang magpalaganap ng mga espekulasyon dahil nagdudulot lang ito ng pagkabahala at pagkalito. Ibahagi ang impormasyon na galing lamang sa mga awtorisadong source tulad ng Department of Health, Navoteño Ako, at ang Facebook fanpage ko o ni Cong. John Rey Tiangco,” saad niya.

 

Samantala, kinumpirma ni City Health Officer Dr. Christia Padolina na mula Pebrero 3-12, may 16 persons under monitoring (PUM) ang Navotas, tatlo rito ay negatibo sa naturang virus.

 

Ang mga PUM ay mga indibidwal na bumisita sa China o nagkaroon ng contact sa isang kumpirmadong may nCov ngunit hindi nagpapakita ng mga sintomas. Sila ay pinapayuhang sumailalim sa 14 na araw ng self-quarantine.

 

Sa kabilang banda, ang mga persons under investigation (PUI) ay mga indibidwal na nagpapakita ng mga sintomas, nakabisita sa China o nagkaroon ng exposure sa virus. Kailangan nilang ihiwalay sa iba.

 

Pinayuhan ni Padolina ang mga Navoteño na sundin ang proper hygiene at healthy lifestyle para maiwasan ang sakit.
“Parating maghugas ng mga kamay, sundin ang wastong paraan ng pag-ubo, iwasan ang mga taong may sakit, at siguraduhing naluto nang mabuti ang kakaining isda at karne. Maaari rin nating palakasin ang ating immune system sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig, pagkaroon ng sapat na tulog, at pag-inom ng vitamins,” aniya. (Richard Mesa)

Other News
  • Nagsimula lang mag-detox two years ago: JUDY ANN, nawalan ng gana na mag-exercise pero binalik dahil sa mga anak

    KAHIT forty six na si Judy Ann Santos na may anak ng dalaga, si Yohan at binatilyo, si Lucho at ang lumalaki na ring si Luna, nakaka-impress ang dedikasyon niya sa pagpapanatili ng kanyang magandang pangangatawan.     Marami nga ang nagsasabi, mas seksi at mas maganda siya ngayon kaysa noong dalaga siya.     […]

  • PBBM sa mga ahensiya ng gobyerno: Maghanda para sa paparating na cyclone

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensiya ng gobyerno na maghanda sa tropical cyclone na inaasahan na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong linggo.   “We’ll just have to keep monitoring the situation and make sure, always, the rescue and relief don’t stop. It doesn’t matter [if] there’s another storm coming, […]

  • P238K shabu nasamsam sa drug suspect sa Valenzuela

    MAHIGIT P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga.     Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang naarestong suspek […]