Solon sa commercials, manufacturing firms: Kolektahin at i-recycle ang plastic
- Published on February 15, 2020
- by @peoplesbalita
UPANG mabawasan ang plastic pollution sa bansa, isinusulong ng isang mambabatas na gawing mandato para sa mga commercial establishments at manufacturing firms na siyang mag-recover, kolektahin, i-recycle at i-dispose ang plastic waste at non-biodegradable materials.
Kapag naisabatasm ire-require ng House Bill 6180 na inihain ni Baguio City Rep. Mark Go ang mga commercial establishments tulad ng supermarkets, office buildings, malls, food chains at retail buildings na kolektahin at i-recover ang mga gamit na plastic mula sa kanilang customers, bago ibalik sa manufacturer oara sa maayos na disposal o recycling.
Nais ng mambabatas na mapanagot ang mga manufacturing companies at commercial establishments na gumagamit ng plastics at non-biodegradable materials sa pamamagitan ng pagsama sa kanilang corporate social responsibility ang collection and recovery ng used plastic.
Binanggit nito ang 10-year National Solid Waste Management Status Report mula sa Department of Environment and Natural Resources kung saan 38% ng solid waste ng bansa ay plastic na patuloy na tumaas pa.
Hinalimbawa nito ang “sachet phenomenon” sa bansa na dumagdag sa pagtaas ng bilang ng mga non-biodegradable na plastic na siyang bumabara sa mga kanal, waterways at kalat sa kalsada. (Ara Romero)
-
Suplay ng natural gas sa Finland, itinigil na ng Russia
ITINIGIL ng Russia ang pagbibigay ng natural na gas sa Finland. Ikinagalit ng Moscow ang pag-aplay nito para sa pagiging miyembro ng NATO, matapos tumanggi ang bansang Nordic na bayaran ang supplier ng Gazprom sa rubles. Walong porsyento ng natural gas ang kino-konsumo ng Finland at karamihan sa mga ito ay […]
-
‘Cease and desist’ vs MRT 7, binawi ni Belmonte
BINAWI na ni QC Mayor Joy Belmonte ang inisyung ‘cease and desist order’ sa ‘above ground construction’ ng Metro Rail Transit (MRT) 7 sa Quezon Memorial Circle station matapos na maplantsa ang mga usapin. Ayon kay Belmonte, sa pulong ng mga opisyal ng QC Local Government Unit (LGU), EEI Corporation, San Miguel Corporation, Department […]
-
Tanggap na gusto nang makasama ang amang si FPJ… Sen. GRACE, nagsalita na tungkol sa biglang pagpanaw ng ina na si SUSAN
NAGSALITA na si Sen. Grace Poe tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina, ang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces noong nakaraang May 20. Ayon sa senadora, nabigla raw silang lahat sa pagmamaalam ng kanyang ina. Pero tanggap naman daw nila ang nangyari dahil gusto na raw nitong makasama ang kanyang […]