• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Covid-19 vaccine ng Astrazeneca, hindi pa maaring tanggapin at ipamahagi ng covax facility

IPINALIWANAG Health Usec. Maria Rosario Vergeirre kung bakit kailangan pa ring hintayin ng Astrazeneca ang Emergency USe LIst O eul na mula sa world health organization (WHO) bago ito ng COVAX facility.

 

Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni Vergeirre na isa sa mga ginagawang basehan o kondisyon ng covax facility para kanilang tanggapin ang AstraZeneca at gawin itong isa sa mga bakunang ipapamahagi nila sa iba’t ibang bansa ay dapat na may maipakita silang EUL  mula sa WHO.

 

Ani Vergeirre, internationally accepted kasi aniya sa buong mundo ang emergency Use list na puwedeng gamitin kahit saan mang bansa.

 

Isa ani Vergeire ang eul sa mga niri-require o hinihingi ng WHO sa mga manufacturers bago sila pahintulutang maipamigay ang bakuna sa iba’t ibang bansa.

 

Nilinaw din ni Vergeirre na iba naman ang Emergency use authorization EUA sa EUL dahil ang EUA ani Vergeirre ay nirerequire ng bawat bansa bago tanggapin ang anumang bakuna.

 

Dagdag pa nito, gaya aniya sa Pilipinas, kapag ang isang Pharmaceutical company ay nakakuha na ng EUL mula sa WHO, nangangahulugan lamang ito na mas mapapadali na rin para sa Philippine government ang mag-isyu ng Eua sa mga vaccine maker. (Daris Jose)

Other News
  • Ads December 6, 2023

  • Ads March 22, 2023

  • ECQ ngayon, walang mass gatherings- Sec. Roque

    NIRESBAKAN ng Malakanyang ang mga kritikong naghahanap kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at nagtatanong kung bakit wala itong public event ngayong Araw ng Kagitingan.   Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa ilalim ang NCR sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) kung saan ay hindi hinihikayat ang mass gatherings.   “The President’s critics are asking why […]