• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS’ COVID RESPONSE PINURI NI DUQUE

Pinuri ni Health Secretary Francisco Duque III ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa matagumpay na pagtugon kontra Coronavirus Disease 2019 pandemic.

 

 

Si Duque at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa mga miyembro ng COVID-19 Vaccine Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team na bumisita sa Navotas Polytechnic College upang suriin ang cold room a vaccination center ng lungsod.

 

 

“Navotas City is worth acknowledging and recognizing because of its success in its COVID-19 pandemic response.” Pahayag ni Duque sa kanyang talumpati.

 

 

Sinabi ni Duque na ang lungsod ay mayroong 2% positivity rate, 3.4% na mas mababa kaysa sa national positivity rate. Nagtala din ito ng pinakamababang kaso ng fatality rate na 1.7%, kumpara sa 2% national fatality rate.

 

 

Nabanggit din ng health secretary na ang lungsod ay nagtala ng 1.53% average na daily attack rate sa huling dalawang linggo, -17.5% na dalawang linggong growth rate, at zero healthcare utilization rate.

 

 

Ipinakita ng City Health Office ang Navotas’ vaccination rollout plan na layon nitong ma-inoculate ang 107,000 karapat-dapat mabakunahan sa 20 vaccination sites at target na bakunahan ang 100 indibidwal kada araw bawat site.

 

 

“We have conducted a series of dry runs to keep our vaccination teams ready for any eventuality. We want our rollout safe and smooth that’s why we also study the vaccination procedures of other countries so we may learn from their experiences,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Samantala, sinabi ni Cong. John Rey Tiangco ang plano ng lungsod na tugunan ang mababang kumpiyansa sa bakuna.

 

 

“The city government has invited health experts to educate Navoteños about COVID-19 vaccines. We hope that as we correct misconceptions, we will also be able to allay their fears and eventually convince them to get vaccinated,” pahayag niya. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads December 1, 2021

  • Maynila lugmok sa utang!

    MALAKING problema sa susunod na administrasyon ng Maynila ang lugmok nitong kabuhayan at ang malaking utang sa mga lokal na bangko sa bansa.     “Nakalulungkot kasi po, napakaraming pera … pero umutang pa ang city hall ng mahigit sa P15-bilyon na ginastos sa mga maling priority. Sino ang hindi madidismaya sa economic condition ng […]

  • PBBM admin, pinag-aaralang maglaan ng mahigit sa P38B para sa digitalization efforts sa 2024

    TINITINGNAN ng administrasyong Marcos na maglaan ng P38.75 billion para sa  digitalization efforts nito sa 2024.     “The proposed budget for the digitalization of government processes marks a 60.6 percent increase from the PHP24.93 billion funding in 2023,” ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman.     Binigyang- diin nito […]