• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEALTH WORKER, RIDER, NABANGGA, KRITIKAL

KRITIKAL ang isang health care worker at rider nito matapos mabangga ng isang tractor head sa San Andres Bukid, Maynila.

 

 

 

Sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, kinilala ang magka-angkas na biktima na sina Francisco Curay Lacanilao, 50 at Virginia Sanchez Lacanilao, 54, health worker at taga  Sitio Butas Bagumbayan, Caloocan City.

 

 

 

Hawak naman ng pulisya ang driver ng tractor head na si  Danny Pueyo Cabilitasan, 43, ng 115 Northbay Boulevard, Navotas City .

 

 

 

Minamaneho umano nito ang trak na may plakang NUY 936 nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Osmena Hi-way malapit sa kanto ng  Pres. Quirino  Avenue habang sakay naman ng Honda Click ang mga biktima.

 

 

 

Kapwa umano binabagtas ng rider at trak ang Northbound lane ng Osmena  Hi-way nang pagsapit sa  bahagi ng nasabing lugar nang iwasan ng rider ang plastic barrier.

 

 

 

Dito na aksidenteng dumulas ang minamanehong motorsiklo sa kalsada dahilan naman para makaladkad ng kanang bahagi ng gulong ng  container tractor head .

 

 

 

Agad naman dinala sa Philippine General Hospital o PGH ang mga biktima habang  inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting  in damage to property with serious  physical injuries. (GENE ADSUARA) 

Other News
  • Daniel Radcliffe Explains Why He Wants A Reputation For Doing Weird Movie Projects

    HARRY Potter star Daniel Radcliffe has recently explained why he wants a reputation for doing weird movie projects.     Best known for playing the titular character in the hugely successful Harry Potter franchise. Beginning when Radcliffe was just 11 years old, the actor first took on the role of the boy-wizard back in 2001, and played him through until 2011. […]

  • Pilot implementation ng GCQ with Granular Lockdown sa NCR ipinagpaliban ng IATF

    Nagdesisyon ngayon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na ipagpaliban muna ng pilot implementation ng General Community Quarantine (GCQ) with Alert Levels System sa National Capital Region (NCR) na simula sana bukas, Setyembre 8.     Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mananatili ang kasalukuyang risk classification ng Metro Manila na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) […]

  • DEREK, nag-react at napikon nang tanungin kung ‘di ba nagseselos si AUSTIN kay ELIAS

    NAKATUTUWA ang IG post ni Derek Ramsay na buhat-buhat niya si Ellen Adarna na may caption na, “My big baby tuko!!❤❤❤”     Na sinagot naman ni Ellen ng, “Ur the biggest tuko lol.”     Kung anu-ano nga ang naging comment ng netizens at followers sa post na ito ni Derek, kaya nagtalu-talo na […]