• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senior high students mauuna sa face-to-face classes

Posible na mauna ang mga senior high school (SHS) students na makapag-face-to-face classes sakaling payagan na ito ulit ng gobyerno.

 

 

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, sa ngayon ay patuloy na ang paghahanda ng ahensiya para sa dry run ng limited face-to-face classes habang hinihintay ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) hinggil dito.

 

 

Sinabi pa ni San Antonio na naniniwala sila na ang mga senior high school learners, lalo na sa technical vocational track (tech-voc), ay maaaring maging prayoridad na mapabalik sa paaralan.

 

 

“Hindi rin sila kaila­ngang sabay-sabay na magpuntahan sa school, staggered din iyan para mas kakaunti ang bata na nasa paaralan,” pahayag ni San Antonio.

 

 

Noong Enero sana magdaraos  ng dry run para sa limited face-to-face classes sa ilang paaralan sa bansa.

 

 

Gayunman, pinatigil ito ni Pang. Rodrigo Duterte dahil sa banta ng bagong UK variant ng COVID-19 na mas nakakahawa.

Other News
  • DICT balak maglunsad ng 15,000 libreng Wi-Fi sites

    BALAK ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maglunsad ng higit sa 15,000 libreng Wi-Fi sites sa unang kalahati ng 2023.     Iniulat din ng DICT na umabot sa 4,757 lives sites ang na-activate sa ilalim ng Broadband ng Masa (BBM) at Libreng WiFi.       Ang 4,757 live sites ay […]

  • Bigtime drug pusher, tiklo sa P16 milyon shabu sa Malabon

    NASABAT ng mga awtoridad ang mahigit P16 milyon halaga ng shabu sa isa umanong notoryus drug pusher na listed bilang High-Value Individual (HVI) matapos maaresto sa buy bust operation sa Malabon City.     Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Malabon police sa pamumuno ni P/Col. Amante […]

  • Sekyu na tumodas sa bading sa Valenzuela, timbog

    ARESTADO ang isang security guard na tumodas sa bading na streetsweeper sa Valenzuela City nang matunton ng pulisya sa pinagtaguang lugar sa Quezon City, kamakalawa ng hapon. Hindi nakapalag ang suspek na si alyas “Tanieca”, 25, nang dakmain siya ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr. dakong alas-2 ng hapon sa […]