Nazario sampa sa propesyonal
- Published on February 11, 2021
- by @peoplesbalita
UMANGAT ang coaching career ni De La Salle University Green Archers coach Gian Nazario dahil sa ginanap na balasahan ng isang team sa Philippine Basketball Association (PBA) nang italaga silang isa sa dalawang bagong assistant coach ng Terrafirma nito lang isang araw.
Isinama siya sa bagong nirolyong coaching staff sa ilalim ni coach Johnedel Cardel.
Ang isa pang kasama ay si ex-professional player star Ronald Tubid na huling nagsuot ng uniporme ng San Miguel Beer.
Kapalitan nina Tubid at Nazario sina Hubert Delos Santos at Arthur Dela Cruz.
Nagsilbi rin si Nazario na bench tactician ng La Salle Green Archers sa 82nd University Athletic Asociation of the Philippines (UAAP) 2019-2020.
Bagama’t may raket man sa pambansang liga, mananatili pa rin siyang assistant coach ng Taft-based dribblers kasama ang humalili sa kanyang coach na si Frederick ‘Derrick’ Pumaren. (REC)
-
Deployment ng nurses sinuspinde ng POEA
Pansamantalang sinuspinde kahapon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang deployment ng mga new hire nurses, nursing aides, at nursing assistants sa ibayong dagat. Ito’y matapos umanong maabot na ang 5,000 annual deployment ceiling. “Pursuant to POEA Governing Board Resolution NO. 17, Series of 2020 on the lifting of the moratorium […]
-
Sec. Roque, binuweltahan si Dr. Leachon na 80% gustong maging Health Secretary
“Siyempre, sasabihin niya dahil 80% gusto niyang maging Secretary of Health”! Ito ang buweltang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa ginawang pagkontra ni Dr. Anthony Leachon sa kanyang sinabi na ang mga variant ng COVID-19 ang dapat sisihin sa muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa NCR plus at hindi ang kapalpakan ng […]
-
Portuguese Footbal Federation itinangging nagbanta si Ronaldo na ito ay hindi na maglalaro sa World Cup
Pinabulaanan ng Portuguese Football Federation (FPF) na nagbanta ang kanilang star player na si Cristiano Ronaldo na ito ay lalayas na at hindi na maglalaro sa nagpapatuloy na FIFA World Cup na ginaganap sa Qatar. Ayon sa koponan na walang katotohanan ang kumalat na balita sa banta ng kanilang team captain. Sa kada […]