• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Planong pagbili ng Pinas ng bakuna laban sa ASF, naantala

NAANTALA ang planong pagbili ng Pilipinas ng bakuna laban sa anti-African Swine Flu (ASF).

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. na ito ang updates sa balak ng pamahalaan na pagbili ng bakuna laban sa ASF.

 

Nauna rito, tinanong kasi ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang bagay na ito kay Sec. Roque lalo pa’t ang suplay ng baboy ay mahirap aniyang makuha hanggang sa may pagakataoon na walang makuha.

 

“Kasama po ‘yan (anti-ASF vaccine) sa whole of nation approach, naantala lang po ang deployment ng ASF vaccine kasi mataas po ang demand at mas inuna po iyong COVID-19 [vaccines],” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na naglaan na ang pamahalaan ng sapat na hakbangin para tugunan ang problema sa ASF habang nakabinbin ang deployment ng ASF vaccines.

 

“Meanwhile po, magbibigay po tayo ng insurance sa mga magbababoy para hindi po sila tuluyang malugi at magkaroon sila ng kumpiyansa na magsimula ulit pagkatapos nila masalanta ng ASF,” aniya pa rin.

 

Samantala, batay naman sa record ng Department of Agriculture, dahil sa ASF, may 4 na milyong baboy na ang namatay sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

At ang resulta, nahaharap ang National Capital Region sa matinding pagdurusa sa suplay ng baboy at manok na nagresulta naman ng paiba-ibang pagtaas ng presyo nito. (Daris Jose)

Other News
  • Nationwide earthquake drill sa ‘Big One’ ikinasa sa Marso 9

    BILANG paghahanda sa posibleng ‘Big One’ na tatama sa bansa, sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na isasagawa sa Marso 9 ang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).     Ayon kay OCD Joint Information Center head Diego Mariano, ang pagsasagawa ng quarterly nationwide earthquake drill ay paghahanda sa publiko sa posibleng malakas na lindol. […]

  • Isyu vs kandidato na ‘di sumisipot sa debate, tatalakayin sa en banc session – COMELEC

    NAKATAKDANG  talakayin ng Commission on Elections (COMELEC) sa nalalapit na en banc meeting sa Miyerkules kung paano nito tutugunan ang isyu ng hindi pagdalo ng ilang kandidato sa mga debate na kanilang inorganisa.     Sinabi ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan sa mga mamamahayag pagkatapos ng unang vice presidential leg ng PiliPinas Debates 2022 kagabi, […]

  • TBA Studios Brings Brendan Fraser’s Much Talked-About Comeback Movie “The Whale” to PH Cinemas

    BRENDAN Fraser’s highly anticipated and much talked-about comeback movie, “The Whale”, is coming to the Philippines this February 22.   The actor, who’s known for his leading man roles in films like “Bedazzled”, “George of the Jungle”, and the mega blockbuster franchise “The Mummy”, was in a decade long hiatus when Academy Award-winning director, Darren […]