• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DoH, siniguro na hindi magkakaroon ng anumang aberya sa pagbiyahe ng bakuna

TINIYAK ng Department of Health (DoH) na hindi magkakaroon ng aberya sa pagbyahe ng Covid-19 vaccine patungo sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) mula sa pagdating nito sa paliparan.

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Director Ariel Valencia na mayoon na kasi aniyang mga inilatag na contingency plan ang gobyerno ukol sa kung papaano iha-handle Ang bakuna na inaasahang darating na sa bansa sa mga susunod na araw.

 

Sa katunayan ani Valenia ay sumailalim na sa special training ang mga cold chain managers, supply officer at ang mga pharmacist para sa tamang paghawak at pag-aalaga ng bakuna.

 

Bukod dito ay nagsagawa na rin ng simulation o exercises ang mga kinauukulan kung saan nakita dito na kung maaari lamang ay wala talagang masyadong movement mula sa pagbababa ng vaccines hanggang sa mailagay ito sa freezer van.

 

Habang ang mga security group naman ani Valencia na pangungunahan ng PNP at MMDA, ang magbibigay katiyakan na magiging ligtas at hindi maaabala ang pagbyahe ng freezer van mga patungo sa RITM at iba’t ibang ospital. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Toni, Mariel at Karla, wini-show na magka-show sa AMBS: BIANCA, laglag na talaga at pinalitan ng nanay ni DANIEL

    NAGPASALAMAT si Mariel Rodriguez-Padilla kina Toni Gonzaga at Karla Estrada na kung saan nag-dinner sila isang kilalang steakhouse.     Sa kanyang IG post, kasama ang mga photos, nilagyan niya ito caption na, “Thaaaaaank you soo much for a wonderful evening @celestinegonzaga and @karlaestrada1121 🥂”     Nag-react naman ang mga netizens at followers sa […]

  • PBBM, imbitado sa WEF sa Switzerland sa Enero 2023

    INIMBITAHAN si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland sa Enero  2023.     Ang imbitasyon ay ipinarating kay  Pangulong Marcos ni WEF founder at executive chairperson Klaus Schwab  sa isinagawang breakfast meeting sa Phom Penh, Cambodia, araw ng Sabado, ayon kay Undersecretary Cheloy Garafil, Officer-in-Charge of the Office of […]

  • Ads January 18, 2022