Contact tracing , isolation at treatment, gagawing tuluy- tuloy ng gobyerno
- Published on February 15, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI ititigil at magpapatuloy ang tracing at isolation effort ng gobyerno kahit may mga bakuna pang dumating sa bansa.
Ito ang tiniyak ni Deputy Chief Implementer at Testing czar Secretary Vince Dizon sa kabila ng aniya’y labis ng pagod na nararamdaman ng mga may mahalagang papel sa patuloy pa ding nararanasang pandemya.
Aniya, isa na rito ang mga contact tracers na mayroon ng fatigue factor dahil na rin sa napakatagal ng paglaban sa COVID 19.
Isang malaking hamon ito sa kasalukuyan na kanilang haharapin at patuloy na gagawin kahit bakuna ay dumating.
“So ngayon po, ang nagiging challenge ngayon ay itong fatigue ‘no dahil napakatagal na nating lumalaban sa COVID so iyong ating mga contact tracers ngayon medyo napapagod na so kailangan tuluy-tuloy lang nating… talagang nagpupursige dito sa pagku-contact tracing natin through our local government units and the DILG. So iyon naman po ang pinipilit natin sa mga darating pang buwan dahil nga kahit na mayroon nang mga bakunang padating, kailangan itong ating response ng prevention, detection, isolation and treatment ay tuluy-tuloy pa rin,” ayon kay Dizon
Kaya siniguro ni Dizon, na hindi lang detection ang patuloy na ikakasa kahit may bakuna na kundi pati na ang prevention, isolation at treatment. (Daris Jose)
-
15 HANGGANG 20 MAMBABATAS PABOR NA GAWING LIGAL ANG MEDICAL CANNABIS
ISINIWALAT ng scientist inventor na si Dr. Richard Nixon Gomez nitong Lunes na 15 hanggang 20 mambabatas pa ang pabor na gawing ligal ang paggamit ng medical cannabis. Matatandaang ang mga nangunguna sa pagsusulong ng ligalisasyon ng medical cannabis ay sina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, House Committee on Dangerous Drugs […]
-
Train law package 4, aprubado sa Komite
INAPRUBAHAN ng House Committee on Ways and Means ang panukalang Package 4 of Republic Act 10963, o “Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.” Dating tinawag na “Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA),” aamyendahan ng Package 4 ang ilang seksyon ng RA 8424 o National Internal Revenue Code (NIRC) of […]
-
36ers matikas ang exit sa NBL
MAGARBONG tinapos ng Adelaide 36ers ang kampanya nito matapos ilampaso ang New Zealand, 93-63, sa 2021-22 Australia National Basketball League kahapon sa MyState Bank Arena sa Australia. Nagpasiklab si 7-foot-3 Pinoy cager Kai Sotto na nagtala ng 12 puntos, pitong rebounds at apat na blocks para tulungan ang Adelaide na makuha ang panalo. […]