• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JUANCHO, masayang-masaya dahil healthy ang baby nila ni JOYCE; prenatal check-up naging celebration ng V-Day

MASAYANG-MASAYA si Juancho Trivino dahil healthy ang baby sa tiyan ng kanyang misis na si Joyce Pring pagkatapos ng second prenatal check-up nito.

 

 

Wala raw kumplikasyon ang pagbubuntis ni Joyce kahit na may pandemya pa rin sa buong mundo. Positive si Juancho na magiging maayos at masaya ang pagdala ni Joyce sa first baby nila.

 

 

Nag-share si Juancho ng video na tinititigan ng kanyang misid ang sonogram nh kanilang baby. Ito raw ang naging celebration nila sa nakaraang Valentine’s Day.

 

 

“Happy Valentines day to my one true love! This is a video of our second check up where we saw (heard) our baby’s heartbeat for the first time. To our last valentines day na tayong dalawa lang, mahal na mahal kita @joycepring!” caption ni Juancho sa Instagram post nito.

 

 

Heto naman ang post ni Joyce: “Our third heart’s day together – last one as just the two of us… Time flies, indeed. I love you and the life that we’re building together, @juanchotrivino.”

 

 

***

 

 

WALA raw panahon para magselos ang girlfriend ni Benjamin Alves na si Chelsea Robato dahil marami raw pinagkakaabalahan ito.

 

 

Pero aware naman daw si Chelsea sa mga nagiging eksena ni Benjamin sa teleserye na Owe My Love, lalo na raw sa mga scenes na inaakit ito ni Winwyn Marquez.

 

 

“Chelsea knows Winwyn noon pa kaya may tiwala siya rito. And Chelsea is not the type who ask questions about my work as an actor. She knows what my job is and she’s cool with that. Kahit na gusto ko na minsan ay magselos siya, she’s not that type of person. She’s very understanding and like what I said, she’s too busy para isipin pa niyang magselos!” tawa pa ni Benjamin.

 

 

Si Lovi Poe pala ang leading lady ni Benjamin sa Owe My Love at ka-love triangle nila si Winwyn.

 

 

 

     ***

 

 

PUMANAW noong February 10 ang founder at publisher ng Hustler magazine na si Larry Flynt sa edad na 78.

 

 

Namaalam ang controversial adult entertainment mogul sa bahay nito sa Hollywood Hills.

 

 

Ayon sa kanyang pamangkin na si Jimmy Flynt Jr., 30 years na raw may health problems ang kanyang uncle at walang kinalaman sa pagkamatay niya ang COVID-19.

 

 

“Larry was a rebel. He had a very complex personality. That’s why they made a movie about it.”

 

 

Pinalabas noong 1996 ang pelikulang The People Vs. Larry Flynt na bida si Woody Harrelson. Isang outspoken First Amendment activist si Flynt na nagtatag ng pornographic magazine na Hustler noong 1974 at naging isang malaking empire ito na kumalaban sa Playboy ni Hugh Hefner.

 

 

Bukod sa magazine, nagkaroon din siya ng production of porn films at Hustler Casino in Los Angeles.

 

 

In 1978, ang assassin na si Joseph Paul Franklin ang bumaril kay Flynt kaya na-paralyze ito from waist down. Hindi raw pabor si Franklin sa interracial couples na featured sa Hustler.

 

 

Nanalo sa isang legal battle si Flynt in 1988 sa US Supreme Court laban sa televangelist na si Rev. Jerry Falwell dahil sa isang libel case.

 

 

“He wanted to be remembered as a person who pushed the boundaries of free speech and that the First Amendment was the cornerstone of democracy,” ayon pa kay Flynt Jr. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Bryan, overwhelmed sa special award ng ’The EDDYS’: Movie ni VILMA sa Mentorque, ‘di tiyak kung isasali sa 50th MMFF

    MALAKI nga ang posibilidad ng muling paggawa ng pelikula ni Vilma Santos-Recto after ng successful comeback niya sa ‘When I Met You In Tokyo’ na naging bahagi ng 49th Metro Manila Film Festival last year, na kung saan nagbigay sa kanya ng back-to-back best actress awards.       Isa nga ito sa napag-usapan sa […]

  • LTFRB: 97% ng PUJs ang consolidated sa MM

    MAY naitalang 97.18 porsiento ang bilang ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa Metro Manila ang sumailalim sa consolidation noong 2023, ito ay ayon sa datus ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).       Sinabi ni LTFRB regional director Zona Russet Tamayo na walang magiging problema ang pampublikong transportasyon sapagkat may sapat […]

  • Ads July 1, 2022