• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga panukala at rekomendasyon ng NEDA, posibleng pagbigyan ni PDu30

PARA maisalba ang mga Filipino sa pagkagutom at paghihirap ay posibleng pagbigyan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging panukala ng National Economic Development Authority (NEDA) na isailalim sa Modified General Community Quarantine ang buong bansa simula Marso 1.

 

Sa public address ng Chief Executive, Lunes ng gabi ay inirekomenda kasi rin ni Acting NEDA Director General Karl Chua sa Chief Executive na palawigin na ang public transportation kung saan gawin ng 70 percent ang 50 percent na vehicle’s capacity, na unti-unting gawing 5 taon hanggang 70 taon mula sa 15 taon hanggang 65 ang eda na papayagang lumabas ng bahay at ituloy na pilot face-to-face classes.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dahil mas matimbang na aniya ang paghihirap dahil sa non-covid related activities at dahil napatunayan naman ng mga filipino sa isang survey na OCTA research na 93% ang sumusunod sa pagsusuot ng mask ng mga Filipino ay ipinapakita lamang na panahon na para isalba ang mga Filipino mula sa pagkagutom at sa pagkahirap.

 

Giit ni Sec. Roque, ito aniya ay mga dahilan na maaaring pagbasehan ng Pangulo at hindi lamang dahil sa Covid-19.

 

Sa pagkahanda aniya ay nandiyan ang 93% na pagsusuot ng mask na nagpapakita na ang mga Filipino ay dininig naman ang panawagan ng Pangulo na pag-ingatan ang buhay para makapag-hanapbuhay.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na kasama siya sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bumoto na irekumenda kay Pangulog Duterte na lalo pang buksan ang ekonomiya ng bansa.

 

Aniya, mayroong pag-aaral ang NEDA na nagpapakita na kung titimbangin aniya ang numero ng mga nagkakasakit sa covid na 550,860; active cases aniya na 27,588 at iyon aniyang mga namatay na dahil sa Covid na 11,570 ay mas matimbang aniya ngayon iyong mga Filipino na nagugutom na nasa 23.7 milyon. Bukod dito, pati na rin aniya iyong karagdagan naghihirap ng mga Filipino na 4.5 milyon, ‘iyon aniyang mga karagdagang nawalan ng trabaho na 2.7 milyon ay factor din ng maaaring maging desisyon ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Very happy sa nalalapit na kasal nila ni Arjo: ALDEN, malaki ang pasasalamat sa pagtitiwala ni MAINE

    NGAYONG July 28 na ang naglalabasang balita ng kasalang Maine Mendoza at Arjo Atayde.     At hindi naman maikakaila at maitatanggi na si Maine at Alden Richards ay naging malaking bahagi ng buhay ng bawat isa.     Nang makausap nga namin si Alden sa naging mediacon ng “Battle of the Judges,” ang bagong […]

  • Dragons ibinunton ang galit sa Beermen

    HINDI pumayag ang guest team na Bay Area na mahulog sa ikalawang su­nod na kabiguan.     Humakot si import An­drew Nicholson ng 39 points at 12 rebounds para banderahan ang Dragons sa 113-87 paggupo sa San Miguel sa 2022 PBA Commissioner’s Cup ka­ha­pon sa Smart Araneta Coliseum.     Bumalikwas ang Bay Area mula […]

  • PDu30, nilagdaan ang mga batas na lumilikha sa LTO, LTFRB district offices

    TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 14 na batas na naglalayong magtatag ng district offices ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa 13 lalawigan sa bansa.     Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Acts (RA) 11737, 11738, 11739, 11740, 11741, 11742, 11743, 11744, 11745, 11746, 11747, […]