• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2k baboy mula sa South Cotabato nasa Vitas, Tondo na

INANUNSYO ng Malakanyang ang pagdating 2,000 baboy mula sa South Cotabato kung saan ito ngayon ay nasa Vitas, Tondo.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay iparating sa iba’t ibang palengke sa Metro Manila ang nasabing baboy dahil ito ay kabahagi ng mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para maibsan ang kakulangan ng suplay ng baboy sa MM.

 

Layon nito na mapababa ang presyo ng baboy at kahit papaano  ay umabot sa price cap net ng gobyerno.

 

Matatandaang, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order 124 na itinakda ang presyo ng kasim/pigue ng baboy sa P270 kada kilo,samantalang ang liempo naman ay P300 kada kilo habang ang presyo naman ng dressed chicken ay hindi dapat lumampas sa P160 kada kilo sa lahat ng pamilihan sa Metro Manila.

 

Nakasaad sa EO na ipinalabas ang kautusan upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin kung saan inirekomenda ng Department of Agriculture ang pagpapatupad ng price ceiling sa ilang pork at chicken products.

 

Ayon pa sa kautusan, ang kasalukuyang presyo ng mga pangunahing pa­ngangailangan sa National Capital Region (NCR) katulad ng baboy at manok ay lubhang tumaas na naging pahirap sa mga mamamayan lalo na sa mga mahihirap.

 

Nabawasan din ang karne ng baboy sa bansa dahil sa outbreak ng African Swine Fever na nakaapekto sa suplay at naging dahilan sa pagtaas ng presyo nito.

 

Binanggit din sa EO na may kapangyarihan ang Pangulo na magpatupad ng price ceiling na nakapaloob sa Section 7 ng  Republic Act 7581 o Price Act base sa rekomendasyon ng implementing agency o Price Coordinating Council kung may emergency o calamity sa bansa.

 

Matatandaan na sa Proclamation No. 1022 pinalawig ang State of Calamity sa buong bansa dahil sa COVID-19 mula Setyembre 13,2020 hanggang Setyembre 12, 2021. (Daris Jose)

Other News
  • Clarkson hinirang na nba sixth man of the year

    Ipinagbunyi ng sambayanan ang pagkakahirang kay Filipino-American guard Jordan Clarkson ng Utah Jazz bilang NBA Sixth Man of the Year kahapon.     Tinalo ng 28-anyos na si Clarkson, ang lolang si Marcelina Tullao Kingsolver ay tubong Bacolor, Pampanga, para sa nasabing individual award ang kanyang Jazz teammate na si Joe Ingles at si New […]

  • Ateneo paghahandaan ang NU

    WALANG makatibag sa defending champion Ate­neo na solo na ang liderato sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament.     Maging ang mortal ni­lang karibal na La Salle ay walang naisagot sa ma­­la­kas na puwersa ng Blue Eagles sa kanilang pag­ha­harap noong Sabado sa Mall of Asia Arena.     Inilampaso ng Ateneo ang La […]

  • LALAKI, NAIPIT NG SASAKYAN HABANG NAGKAKABIT NG GPS

    NASAWI ang isang 32-anyos na lalaki nang naipit ng isang tractor head nang paandarin ng driver nito  habang nagkakabit  ng GPS sa likuran ng kasunurang tractor head sa Port Arae, Manila Huwebes ng umaga.     Naisugod pa sa Philippine General Hospital ang biktimang si Jay Mark Kee ng 118 Unit 8 Gen Tinio St. […]