• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FIST ACT pirmado na ni PDu30

KINUMPIRMA ng Malakanyang na napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang isang batas ang RA 11523 o mas kilala bilang Financial Institution Strategic Transfer o FIST ACT.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na napapanahon na ang pagpasa ng FIST Law lalo na sa ngayon na ang lahat ay nasa panahon ng pandemiya.

 

Sinabi nito na nagpapasalamat ang Malakanyang sa Kongreso sa pagsasabatas ng RA 11523 na sinertipikahang “urgent” ng Pangulo.

 

“Pinapalakas nito ang ating financial sector na kinakailangan sa muling pagbangon ng ating ekonomiya. Kinikilala ng estado ang mahalagang papel po ng mga bangko at financial institutions as mobilizers of savings and investments and in providing the needed financial system liquidity to keep the economy afloat,” ayon kay Sec. Roque.

 

Dahil dito ay kinakailangan na mapanatili ng mga bangko at iba pang financial insitutions ang kanilang financial health.

 

“Kasama ito ang pag-address ng non-performing asset problems of the financial sector, paghikayat ng private sector investment sa mga non-performing assets, pagtanggal ng mga hadlang o barriers sa pagkuha o acquisition ng non-performing assets, pagtulong sa rehabilitasyon ng nahihirapang negosyo or distressed businesses, pag-improve sa liquidity ng financial system,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Aniya pa, nananatili ang layunin ng pamahalaan na ibangon ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapatupad ng fiscal at economic reforms at kasama ng rollout ng ating mass vaccination program.

 

“Sabay-sabay tayong gagaling at aahon mula sa Covid-19,” ani Sec. Roque.

 

Samantala, nauna nang inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na tinintahan na ni Pangulong Duterte ang FIST bill bilang isang bagong batas na naglalayon na bumuo ng specialized asset-managing corporations.

 

Sinabi ni Diokno na sa ilalim ng FIST law ay dadali para sa mga bangko na i-dispose ang bad assets sa pamamagitan ng Asset Management Companies.

 

Dagdag ni Diokno, makakatulong rin ang bagong batas para manatiling stable ang bangking system sa kabila ng epekto ng COVID-19 pandemic.

 

Matatandaan na isinulong noon ni Diokno ang panukala sa kadahilanan na posibleng humina ang kapasidad ng borrowers na magbayad dahil sa disruption ng cash flows sa huling bahagi ng 2020.

 

Mababatid na layon ng nasabing panukala na lumikha ng specialized asset-managing corporations na pwedeng mag-acquire sa bad loans at stagnant properties mula sa mga problemadong financial institutions.

 

Sa ilalim ng panukala ay maaring mag-invest, o mag-aquire ng non-performing assets (NPAs) ang mga Fist corporation mula sa financial institutions, at makipag-ugnayan sa third parties para sa management, operation, collection, at disposal ng acquired NPAs. (Daris Jose)

Other News
  • Tim Burton, Directing A Coming-Of-Age Series About Wednesday Addams For Netflix!

    AN Addams Family live-action adaptation is coming to Netflix!     The upcoming series will tell the coming-of-age story of Wednesday Addams and her time at the Nevermore Academy.     Wednesday will be coming from Tim Burton, who will be making his TV directorial debut in this eight-part series, under the production of Netflix and […]

  • Marvel Is Finally Building To Hulk vs. Wolverine – But There’s A Catch

    Hulk vs Wolverine is a fight many fans have been clamoring for in live-action, which Marvel Studios could provide – only with a specific catch.     After years of anticipation, a Marvel Comics clash of the ages could come to the Marvel Cinematic Universe through Phase 5, albeit with a specific caveat. One of […]

  • Libreng taunang medical checkups sa lahat, isinulong

    NAIS  ng tatlong mambabatas na maglaan ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ng libreng annual medical checkups sa lahat ng mga miyembro nitoupang masiguro na makakakuha ang bawat Pilipino ng access sa preventive care at matugunan ang mga seryosong health conditions sa unang stages pa lamang.     Ayon kay Davao City Rep. Paolo Duterte, […]