• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COMMERCIAL/RESIDENTIAL AREA, NASUNOG

ISANG commercial/residential area ang nilamon ng apoy  kagabi sa Binondo, Maynila.

 

 
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection- NCR, nangyari ang sunog sa establisimyento na pag-aari ng Jespajo Realty Corporation.

 

Isa itong 5 storey residential/commercial mezzanine building  kung saan nagsimula ang apoy sa unit na inookupahan ni Shany Lim  sa Unit 209 , sa ikalawang  palapag  ng nasabing gusali.

 

Pasado alas-8:00  nang magsimula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma at idineklarang fire out pasado alas-9:00  ng gabi.

 

Umaabot naman sa humigit kumulang  P300 libo ang napinsala sa sunog bagamat wala namang iniulat na nasaktan  sa sunog. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Fans ni MARIAN, masaya at excited sa balitang magbabalik-TV na dahil inaayos na ang script

    MASAYA at na-excite ang mga fans at followers ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa balitang magbabalik-telebisyon na siya.     Last week kasi, sinagot ni Marian ang tanong ng isang fan sa kanyang Instagram kung kailan siya muling magkakaroon ng show.         “Kailan po kayo ulit magkakaroon ng bagong show, sobra na […]

  • P90.2-B special risk allowance para sa mga medical workers ng DOH inilabas na

    Nailabas na ang P90.2 billion special risk allowance para sa mga medical workers ng Department of Health sa buong bansa.     Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Assistant Secretary Kim Robert de Leon na inaasahan na tuluyan ng maipamahagi ang nasabing budget hanggang Hunyo 30, 2021.     Mayroong tig-P5,000 na monthly […]

  • Sa viral ‘kandungan’ video nila ni Kobe: KYLINE, walang dapat i-explain and ‘what you see is what you get’

    PATULOY ngang naba-bash ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara, matapos mag-viral ang ‘kandungan’ video nila ng rumored boyfriend na si Kobe Paras. Makikita nga sa kumalat na video na nakakandong si Kyline kay Kobe habang kumakanta ang huli ng “Hinahanap-Hanap Kita” ng Rivermaya. Nakapulupot ang mga braso ng cager sa baywang ng dalaga hanggang […]