• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RIDING IN TANDEM. 1 PATAY, KASAMA ARESTADO

NASAWI  ang isang riding in tandem habang naaresto ang kasama nito matapos mambiktima ng estudyate sa Malate, Maynila .

 

Kinilala ang nasawi na si Joshua Mansal, 20  ng  1269 Bambang St. Tondo habaNg ang naarestong kasama nito ay si  Delber Sta. Rita, 21 ng 1748 A. Rivera St Tondo.

 

Nauna rito, naglalakad umano ang biktima na si Andrea Ferrer,18, estudyante,  sa Capitan Ticong St . nang hablutin ng mga suspek  na sakay ng motorsiklo  ang cellphone nito.

 

Tumakas ang mga suspek patungo sa direksiyon ng Dagonoy St. habang nagsisigaw naman ang biktima ng “snatcher, snatcher” na nakaagaw sa atensyon ng mga tambay sa lugar  kaya hinabol ang mga suspek.

 

Nawalan naman ng kontrol ang minamanehong motorsiklo ng mga suspek at bumangga sa isang grab driver na si Renald Gutierrez.

 

Nang matumba sa kalsada, iniwan ng mga suspek ang kanilang motorsiklo at tumakas patungong Leon Guinto Southbound nang tiyempo namang pumaparada ng sasakyan si Pcpl Symon Marasigan, nakatalaga sa MPD-DTMU na nakatira lamang sa lugar at narinig ang mga sigaw ng mga concern citizens na  ‘snatcher’  kaya hinarang nito ang papatakas na mga suspek at nagpakilalang pulis.

 

Gayunman nagtangkang may bubunutin sa dalang sling bag ang napatay na si  Mansal habang si Sta Rita naman ay inagaw ang baril sa beywang ni PCpl Marasigan.

 

Habang nagpapambuno ang pulis at Sta Rita, pumutok ang baril at tinamaan si Mansal sa ulo na nagresulta ng kanyang kamatayan.

 

Dito na naaresto si Sta Rita sa tulong na rin ng mga barangay tanod sa lugar .

 

Narekober naman ang cellphone ng biktima at iba’t iba  pang unit ng  cellphone na hinihinalang na-snatch ng dalawa sa iba pang nabiktima nila.

 

 

Nakumpiska din ang get away motorcycle ng mga suspek na Yamaha Mio scooter .

 

Sasampahan naman ng Robbery at Direct Assault ang naarestong suspek . (GENE ADSUARA)

Other News
  • NORA, masayang-masaya dahil sinorpresa ng mga anak at mga apo maliban kay LOTLOT

    EXCITED na ang mga fans ni Jo Berry sa muli niyang pagbabalik, sa pamamagitan ng bagong GMA Afternoon Prime series na Little Princess.     Muli, title-roler si Jo, tulad ng una niyang serye sa Kapuso Network na Onanay na naging anak niya sina Mikee Quintos at Kate Valdez.      Dalawa ang naging leading […]

  • Pinas, kinokonsidera ang FTA kasama ang US sa cyberspace, digital tech; trade deal sa Japan

    KINOKONSIDERA ng Pilipinas na magkaroon ng bilateral free trade agreement (FTA) kasama ang United States (US) ukol sa cyberspace at digital technology. Sa isang panayam sa Washington DC, sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang plano ng Pilipinas na magkaroon ng FTA kasama ang Estados Unidos sa dalawang larangan ay […]

  • PANALANGIN PARA KAY SANTO PAPA

    HUMINGI  ng panalangin si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa mga mananampalataya para sa kalusugan ng Santo Papa.     Sinabi ng lider ng Simbahan na ang problema sa ‘tuhod’ ng Papa ay nagresulta sa kanselasyon ng kamakailan niyang pakikipag-ugnayan.     “Let us pray for Pope Francis, especially during this […]