Standing ng Pilipinas sa buong mundo ukol sa usapin ng case fatality rate dahil sa COVID-19, tumaas
- Published on February 24, 2021
- by @peoplesbalita
TUMAAS ang standing ng Pilipinas sa ranking ng World Health Organization at Johns Hopkins kung pag- uusapan ay case fatality rate.
Sa isinagawang presentasyon ni Presidential spokesperson Harry Roque ay makikitang umangat sa 2.2 ang case fatality ng bansa.
Ani Sec. Roque, mula 67 ay nasa 60 na ngayon ang puwesto ng Pilipinas kung bilang ng mga namamatay sa bansa dahil sa COVID ang pinag- uusapan.
Bumaba naman aniya ang puwesto ng Pilipinas kung ang pag- uusapan ay pinakamaraming bilang ng kaso ng corona virus sa buong mundo.
Mula sa 41 ay nasa number 45 spot aniya ngayon ang Pilipinas.
“Sa COVID update naman po tayo, ito ang world rankings by country ayon sa World Health Organization at Johns Hopkins as of February 22, 2021: Total cases na 561,169, Number 31 pa rin po ang Pilipinas sa mundo. Sa active cases na 26,238, Number 45 po ang Pilipinas sa buong mundo – bumaba po tayo from Number 41, Number 45 na po tayo.
SA COVID cases naman per one million population, mayroon po tayong 510.39, Number 135 po tayo – hindi po gumalaw. Pero sa case fatality rate po ‘no, medyo tumaas po ang ating case fatality rate, naging 2.2 at naging Number 60 tayo from Number 67,” ang pahayag ni Sec. Roque.
-
OP, magbibigay ng P25M na tulong para sa Batanes sa gitna ng matinding pananalasa ni Julian
MAGBIBIGAY ang Office of the President (OP) ng P25 million sa provincial government ng Batanes para tumulong sa pagbangon nito kasunod ng matinding pananalasa ng Bagyong Julian. Nauna rito, binisita ni Pangulong Marcos ang lalawigan ng Batanes para pangasiwaan ang pamamahagi ng tulong sa mga residente sa Oval Plaza sa Munisipalidad ng Basco. […]
-
Kampo ng pastor, dumipensa
UMAMIN ang isang paralegal sa Los Angeles sa kanyang papel sa pamemeke ng visa at kasal para makapasok sa US ang mga opisyal ng Kingdom of Jesus Christ o grupo ni Pastor Apollo Quiboloy. Ayon kay Maria de Leon, isa siya sa siyam na indibidwal na idinidiin sa kasong labor trafficking na kinasasangkutan […]
-
Tuloy na tuloy na sa Nov. 26 sa Aliw Theater: PIOLO, magho-host pa rin sa awards night ng ‘6th The EDDYS’
TULOY na tuloy na ang inaabangang ika-anim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong taon. Matapos ma-postpone ang nakatakda sanang awards night nitong nagdaang October 22, inanunsyo na ng pamunuan ng SPEEd, sa pamamagitan ng Presidente nitong si Eugene Asis, magaganap na ang Gabi ng […]