• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, walang sinisisi sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng mga bakuna laban sa Covid 19

WALANG sinisisi kahit na sinuman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccines.

 

Naniniwala kasi ang Pangulo na ang pagpapadala sa bansa ng mga bakuna ay responsibilidad ng manufacturers.

 

Ang pahayag na ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung may dapat bang panagutin ang Pangulo sa pagkakaantala ng pagdating Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula COVAX at Sinovac COVID-19 vaccines na dapat sana’y dumating noong Pebrero 15 at ngayong araw, Pebrero 23.

 

“Alam mo, si Pangulo, he understands that we are at the receiving end of these vaccines. As much as we want to…as practicable as possible…ginagawa  naman po natin ang lahat ng kinakailangan based on requirements,” ang pahayag ni CabSec. Nograles

 

“But at the end of the day, it is the vaccine manufacturers’ obligation, responsibility to ship it to us at a time that was promised,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang mga petsa kung saan ay inaasahan ang pagdating ng Pfizer-BioNTech at Sinovac vaccines ay una nang inanunsyo nina presidential spokesperson Harry Roque at vaccine czar Carlito Galvez Jr.

 

Ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) ay nagbigay na ng emergency use authorization sa Pfizer-BioNTech noong Enero 14 subalit sinabi ni Galvez sa Senate hearing a naibigay ang EUA noong Pebrero 11 at ang kawalan ng indemnification law sa bansa ang dahilan kung bakit naantala ang pagdating ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines  sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • ALDEN, nangako na magiging one of a kind experience ang docu-concert na ‘ForwARd’

    NANGAKO si Alden Richards na one of a kind experience ang mystery project niya na ForwARd.     Sa kanyang Instagram account, pinost ni Alden ang poster ng ForwARd, na isang documentary concert na mula sa direksyon ni Frank Lloyd Mamaril.     The documentary concert is set to air January 30, 2022, at 8 […]

  • COVID-19 sa Pinas walang pagbabago hangga’t ‘di 50% ang vaccination rate

    Wala pang makikitang malaking pagbabago sa estado ng Pilipinas hanggang hindi naaabot ang 30% hanggang 50% vaccination rate ng populasyon ng bansa.     Sinabi ni Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research Group na masyado pang maliit ang mga numero ng nababakunahan sa bansa.     Nitong Hunyo 8, uma­bot pa lamang sa 4.6 mil­yon […]

  • Samples ng 8 pasaherong kasama ng lalaking positibo sa UK COVID-19 variant, ipinadala sa genome center

    Ipinadala na ng Philippine Red Cross  (PRC) sa Phippine Genome Center ang mga samples mula sa walong pasaherong nakasama ng nagpositibo sa UK variant ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Una rito kinumpirma ng PRC na positibo sa Coronavirus ang walong pasaherong kasabay ng Pinoy na dumating a bansa. Ayon sa Red Cross, ipapadala sa Philippine […]