McGregor pinayuhang magpokus sa boxing
- Published on February 24, 2021
- by @peoplesbalita
Pinayuhan ng ilang eksperto si Ultimate Fighting Championship (UFC) superstar Conor McGregor na tigilan muna ang UFC kung nais nitong makuha ang inaasam na mega fight kontra kay eight-division world champion Manny Pacquiao.
Mismong si boxing legend George Foreman na ang nagsabi na mas makabubuting ituon muna ni McGregor ang konsentrasyon nito sa boxing.
Magiging malaking tulong ito upang muling makuha ang amor ng mga boxing fans at mapabangong muli ang kanyang pangalan.
Bahagyang nawalan ng interes ang mga tao kay McGregor matapos itong lumasap ng second round knockout loss kay Dustin Poirier sa kanilang bakbakan noong nakaraang buwan.
Si McGregor pa naman ang pinakamainit na pangalan na posibleng makaharap ni Pacquiao sa kanyang next fight.
Subalit naglaho ito dahil sa kabiguang tinamo ni McGregor sa kamay ni Poirier.
Mayroon namang boxing skills si McGregor.
Sa katunayan, naniniwala si Foreman na mas magandang gamitin niya ito sa boxing kumpara sa MMA.
-
Bulacan, Cavite at Rizal, alert level 3 na rin
BUNSOD ng pagsirit ng COVID-19 cases sa ilang lokalidad, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Lunes ang rekomendasyon ng kanilang sub-Technical Working Group on Data Analytics na itaas ang Bulacan, Cavite, at Rizal sa Alert Level 3. Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, epektibo ngayong araw, Enero […]
-
Gobyerno, handa na kay ‘Mawar’
TINIYAK ng administrasyong Marcos sa publiko na naghahanda na ito para sa posibleng epekto ng tropical storm Mawar, partikular na sa mga rehiyon ng Ilocos at Cagayan Valley. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na inihanda na ng kanyang departamento ang mga goods o kalakal sa iba’t […]
-
Malaysia at Thailand, kasama na sa mga bansang inaprubahan ni PDu30 na may travel ban
INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang travel restrictions para sa lahat ng mga byahero na manggagaling sa Malaysia at Thailand o may history of travel sa mga nasabing bansa sa nakalipas na 14 na araw. Ang mga ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay hindi pupuwedeng papasukin ng Pilipinas. “Nagdesisyon […]