PDu30, nagsagawa ng aerial inspection sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Auring sa Surigao del Sur
- Published on February 25, 2021
- by @peoplesbalita
NAGSAGAWA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng aerial inspection sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Auring sa Tandag, Surigao del Sur.
“Weather-permitting, the President intends to visit para mabilis din iyong aksyon kapag may nakita siya na mga gaps or kailangan pang gawin over and above what is already being done by government,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.
“Based on the briefing and the reports and his visual observation on the ground ay magbibigay naman po ng mga direktiba si Pangulo. Abangan na lang po natin,” dagdag na pahayag ni CabSec Nograles.
Base sa situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council “as of Tuesday afternoon”, naapekthan ni bagyong Auring ang mahigit 121,000 indibiduwal sa Region 10, 11 at Caraga.
Sa nasabing bilang, 77,811 katao ang dinala sa evacuation centers.
Nag-iwan naman ng limang flooding incidents at anim na landslides ang bagyong Auring sa Regions 5,7, 8 at 11. (Daris Jose)
-
PBBM, patungong Davos para sa misyon na selyuhan ang investments, mag-uwi ng mas maraming hanapbuhay para sa mga Pinoy
LUMIPAD na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong Davos, Switzerland, araw ng Linggo para manghikayat at makasungkit ng mas maraming investments sa World Economic Forum (WEF). Layon ng Pangulo na itulak ang kahandaan ng bansa sa mga gampanin sa regional at global expansion plans habang ang bansa ay bumabawi mula sa epekto ng pandemya. […]
-
Bisa ng driver’s license, pinalawig hanggang Oktubre 31
PINALAWIG ng Land Transportation Office (LTO) ang bisa ng driver’s license na mag-e-expire simula Abril 24. Ito ay batay sa nilagdaang memorandum circular ni LTO chief Jay Art Tugade na nagpapalawig sa validity ng driver’s license hanggang Oktubre 31 ng kasalukuyang taon o sa sandaling matapos na ang procurement o ang proseso ng […]
-
Mga pasaway na hindi magsusuot ng maayos na face mask, huhulihin ng pulis
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kapulisan na hulihin at i-detain sa istasyon ng pulis ang mga pasaway na hindi isusuot ng maayos ang face mask sa publiko. Nais din ng Pangulo na imbestigahan ng mga ito at panatilihin ng 9 na oras sa police station. Sa kanyang Talk To The People, […]