• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Team Philippines sasabak sa 46 sports event sa 2022 Asiad

Isinumite na ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang listahan ng mga sports events na lalahukan ng mga Pinoy athletes sa 2022 Asian Games sa Hangzhou, China.

 

 

Sasabak ang Team Philippines sa 46 sa kabuuang 61 sports events na inilatag para sa 2022 Asiad na nakatakda sa Setyembre 10 hanggang 25 sa susunod na taon.

 

 

“We submitted our list last Friday — the deadline — and we based our list on our effort to surpass our last achievement of four gold medals — in Jakarta — because we improved a lot in the SEA Games,” wika kahapon ni Tolentino.

 

 

Ang nasabing listahan ng mga sports events na sasalihan ng mga Pinoy athletes ay isinumite ng POC sa Hangzhou Asian Games Organizing Committee.

 

 

Ang mga ito ay ang aquatics, archery, athletics, baseball, softball, men’s basketball, men’s 3×3 basketball, boxing, canoe-kaya, cycling MTB at BMX, dancesports’s breaking, men’s dragon boat, equestrian, fencing, men’s football, golf, artistic and rhythmic gymnastics, judo, jiu-jitsu, kurash, karate, bridge, chess, esports, xiangqi, mo­dern pentathlon, skateboarding, rowing at men’s rugby.

 

 

Maglalaro rin ang mga Pinoy sa sailing, sepak takraw, shooting, sports climbing, squash, taekwondo, tennis, triathlon, men’s at women’s volleyball, men’s at women’s beach volleyball, weightlifting, wrestling at wushu.

 

 

Noong 2018 edition ay kumolekta ang Team Philippines ng apat na gold medals  bukod pa rito ang dalawang silver medals at 15 bronze medals.

Other News
  • Home isolation package ng PhilHealth na may mild at asymptomatic systems

    Pinaalalahanan kahapon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang publiko na may alok silang COVID-19 Home Isolation Benefit Package (CHIBP) para sa mga miyembro nitong asymptomatic o may mild lamang na sintomas ng COVID-19.     Ayon kay PhilHealth spokesperson Shirley Domingo, ang naturang package ay available para sa mga miyembro nilang nagpositibo sa COVID-19, […]

  • Poland naalarma sa missile attack ng Russia sa border, NATO member countries inalerto

    NANINIWALA ang deputy foreign minister ng Poland na si Marcin Przydacz, na ang missile attack ng Russia malapit sa kanilang border ay bahagi ng banta sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).     Una nang napaulat na 35 katao ang patay sa naturang missile strike sa Yavoriv training base, may 20 kilometro lamang ang layo […]

  • Pagsipa ng online registration ng PhilSys, pinuri ni PDu30

    PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsisimula ng online registration ng Philippine Identification System (PhilSys) noong Abril 30.   ito’y matapos na humingi ng paumanhin si National Economic Development Authority (NEDA) chief Karl Chua para sa “technical difficulties” na sumira sa pilot registration via “online portal” para sa national ID registration.   “I have […]