Tropa ni LeBron niresbakan ng Heat
- Published on February 25, 2021
- by @peoplesbalita
Sa kanilang NBA Finals rematch matapos ang apat na buwan ay niresbakan ng Miami Heat ang nagdedepensang Lakers, 96-94, tampok ang 27 points ni guard Kendrick Nunn.
Tumipa si Jimmy Butler ng 24 points at 8 rebounds para sa Miami (13-17) habang humakot si center Bam Adebayo ng 16 markers at 10 boards.
Naimintis ni guard Alex Caruso ang kanyang long jumper sa huling posesyon ng Lakers kasabay ng pagtunog ng final buzzer.
Nagposte ni LeBron James ng 19 points, 9 assists at 9 rebounds para sa home team na muling hindi nakuha ang serbisyo nina injured starters Anthony Davis at Dennis Schröder.
Sa Memphis, kumamada si Devin Booker ng 23 points kasama ang lima sa franchise-record na 24 three-pointers ng Phoenix Suns (19-10) para sa kanilang 128-97 paggupo sa Grizzlies (13-13).
Sa Charlotte, isinalpak ni Terry Rozier ang isang off-balance jumper sa pagtunog ng final buzzer para sa 102-100 paglusot ng Hornets (14-15) kontra sa Golden State Warriors (16-15).
Sa Chicago, nagpasabog si Zach LaVine ng 38 points sa 122-114 pagsuwag ng Bulls (13-16) laban sa Sacramento Kings (12-17).
Sa Portland, tumapos si Russell Westbrook na may triple-double sa kanyang 27 points, 11 boards at 13 assists para sa 118-111 pagdaig ng Washington Wizards (10-17) sa Trail Blazers (18-11).
-
Morales in, Zagala out bilang Commander ng PSG
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Brig. General Jesus Nelson B. Morales (PAF) bilang Commander ng Presidential Security Group (PSG). Pinalitan ni Morales sa puwesto si Brig. General Ramon P. Zagala (PA) na nakatakdang umupo para sa kanyang bagong papel bilang Commander ng Civil Relations Service ng Armed Forces of the Philippines, […]
-
Top 3 most wanted person ng NPD, nasilo sa Caloocan
ISANG lalaki na nakatala bilang top 3 most wanted person sa Northern Police District (NPD) ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado na si alyas “Kalbo”, 39 ng Brgy., 176, Bagong Silang ng lungsod. […]
-
Pagmamahal ng aktor walang hanggan at katapusan: KATHRYN, pinasalamatan si DANIEL sa ’11 beautiful years’
PAGKATAPOS ng ilang buwan na pinag-uusapan na nagkahiwalay na ang minamahal na loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nakumpirma na nga ito noong November 30. Pareho na ngang nagsalita sina Kath at DJ at inaming hiwalay na sila kasabay ng pakiusap na irespeto muna ang kanilang privacy. Sa mahabang Instagram post ni Kath sinimulan […]