• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, bibigyan ng hustisya ang 3 namatay sa fatal shoutout sa pagitan ng mga tauhan ng QCPD at PDEA sa QC

LABIS ang pag-aalala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nangyaring fatal shootout sa pagitan ng mga police officers at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), araw ng Miyerkules.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinangako ng Pangulo na bibigyan niya ng hustisya ang tatlong nasawing indibidwal.

 

“The President, of course, expressed both sadness and concern bakit nangyari nga ito na kapwa tao ng gobyerno ay nagkaputukan,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Ang in-assure niya, gaya ng nangyari sa Sulu, ay we will get to the bottom of this incident, magkakaroon po ng partial investigation at justice will be done,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, tatlo ang namatay sa nangyaring “misencounter” sa pagitan ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon ng hapon.

 

Ito matapos na marekober ang isa pang bangkay na mula sa operatiba ng PDEA.

 

Nauna nang naiulat na dalawang pulis ang nasawi sa nasabing buy bust operation ng dalawang panig na nauwi sa engkwentro.

 

Samantala, inatasan na rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa engkwentro.

 

Paglilinaw ni Guevarra, ang pag-iimbestiga ng NBI ay hiwalay sa pag-iimbestiga ng ad hoc joint PNP – PDEA Board of Inquiry.

 

Una nang nagkasundo ang PNP at PDEA na bumuo ng joint Board of Inquiry para imbestigahan ang pangyayari na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlong pulis, dalawang PDEA agents at isang sibilyan.

 

Batay sa ulat ng QCPD – Batasan Police Station, nagsagawa ng anti-drug operation ang QCPD-Special Operations Unit sa lugar at una silang pinaputukan ng mga ahente ng PDEA.

 

Pero sinabi ni PDEA Spokesperson Dir. Derick Carreon na may operasyon din sa lugar ang mga tauhan ng kanilang Special Enforcement Service. (Daris Jose)

Other News
  • DOTr: Sinimulan ang pag-aaral ng privatization ng EDSA busway; LTO maghihigpit sa overloading

    SINIMULAN  na ng Department of Transportation (DOTr) ang paghingi ng mga insights mula sa pribadong sektor para sa planong privatization ng EDSA busway.     Humingi ng mga feedback mula sa mga posibleng investors ang DOTr na gustong magtayo, mag-operate at mag-maintain ng transport projects sa ilalim ng public-private partnership (PPP) scheme ng pamahalaan.   […]

  • Direk GINA, mabilis na nag-sorry kay CLAIRE after ng eksenang sampalan na nag-trending sa Facebook at Twitter

    INABOT daw ng halos isang oras sa pagligo si Claire Castro pagkatapos ng eksena sa Nagbabagang Luha kunsaan nakatikim siya ng matinding sampal mula kay Gina Alajar.   Bukod daw sa sampal ay nginudngod pa raw ang mukha niya sa cake. Pero naging professional daw si Claire at ikinatuwa pa niya ang masampal ni Direk […]

  • PDU30, duda na nage-expire ang face shield

    DUDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na napapaso o nae-expire ang face shields.   Ito’y sa kabila ng naging paliwanag ng Department of Health (DOH) na ang medical-grade face shields ay mayroong “specific shelf life.”   Nauna rito, araw ng Biyernes sa Senate hearing ay napag-alaman na pinapalitan di umano ng Pharmally Pharmaceutical Corp. ang […]